2022
Patuloy ang Pagtatayo ng mga Bagong Templo
Nobyembre 2022


Mga Balita sa Simbahan

Patuloy ang Pagtatayo ng mga Bagong Templo

Ibinalita ni Pangulong Russell M. Nelson ang 18 bagong templo sa sesyon sa Linggo ng hapon ng pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2022. Tingnan ang mga kinaroroonan ng mga templo sa kanyang pangwakas na mensahe sa pahina 121.

Ang mga sumusunod na templo ay inilaan na o muling inilaan simula sa huling pangkalahatang kumperensya noong Abril:

  • Ang Rio de Janeiro Brazil Temple ay inilaan noong Mayo 8.

  • Ang Yigo Guam Temple ay inilaan noong Mayo 22.

  • Ang Praia Cape Verde Temple ay inilaan noong Hunyo 19.

  • Ang Hong Kong China Temple ay muling inilaan noong Hunyo 19.

  • Ang Tokyo Japan Temple ay muling inilaan noong Hulyo 3.

  • Ang Hamilton New Zealand Temple ay muling inilaan noong Oktubre 16.

  • Ang Belém Brazil Temple ay ilalaan sa Nobyembre 20.

  • Ang Quito Ecuador Temple ay ilalaan din sa Nobyembre 20.

  • Ang San Juan Puerto Rico Temple open house ay nakatakda sa Disyembre 1–17. Ito ay ilalaan sa Enero 15, 2023.

Nagkaroon ng groundbreaking para sa sumusunod na mga templo: Grand Junction Colorado (USA) Temple, Lindon Utah (USA) Temple, Farmington New Mexico (USA) Temple, Elko Nevada (USA) Temple, Burley Idaho (USA) Temple, Smithfield Utah (USA) Temple, Yorba Linda California (USA) Temple, Lubumbashi Democratic Republic of the Congo Temple, at Ephraim Utah (USA) Temple.

May nakatakda nang mga groundbreaking para sa Willamette Valley Oregon (USA) Temple at Heber Valley Utah (USA) Temple.