2022
Season 4 ng Mga Video ng Aklat ni Mormon, Darating sa Taong Ito
Nobyembre 2022


Mga Balita sa Simbahan

Season 4 ng Mga Video ng Aklat ni Mormon, Darating sa Taong Ito

Makikita sa Mga Video ng Aklat ni Mormon season 4 ang pinakamahalagang sandali sa Aklat ni Mormon: Ang ministeryo ni Jesucristo sa kontinente ng Amerika.

“Palagay ko [ang season 4] ay magiging pamilyar sa mga taong nagmamahal sa Bagong Tipan,” sabi ni Sister Michelle D. Craig, Unang Tagapayo sa Young Women General Presidency, na nagsabi na nangusap ang Panginoon sa mga propeta kapwa sa Luma at sa Bagong Daigdig.

Mahigit 1,000 mga aktor, tauhan, at mga miyembro ng crew ang nagsikap na bigyang-buhay ang mga propesiya at patotoo tungkol sa nagbangon na Anak ng Diyos na bumaba mula sa langit para makilala at paglingkuran ang mga tao sa Bagong Daigdig.

Ang serye ng Mga Video ng Aklat ni Mormon ay makukuha sa Book of Mormon app ng Simbahan. Isinalin na ito sa 15 wika: Cantonese, Cebuano, English, French, German, Italian, Japanese, Korean, Mandarin, Portuguese, Russian, Samoan, Spanish, Tagalog, at Tongan. Kabilang sa iba pang mga platform sa panonood ang website ng Simbahan, ang Gospel Library, at ang Book of Mormon Videos channel sa YouTube (maaari kayong mag-subscribe doon para maipaalam sa inyo kapag inilabas na ang mga bagong video).

Kapag natapos na ang season 5, magkakaroon ng 45 episode ang koleksyon.