2023
Paano Naglilingkod ang mga Lider na Katulad ni Cristo?
Hunyo 2023


“Paano Naglilingkod ang mga Lider na Katulad ni Cristo?” Liahona, Hunyo 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Juan 13

Paano Naglilingkod ang mga Lider na Katulad ni Cristo?

Larawan
Hinuhugasan ni Jesus ang mga paa ng isa sa mga Apostol

As I Have Loved You [Gaya ng Pag-ibig Ko sa Inyo], ni Eva Timothy

Habang hinuhugasan Niya ang mga paa ng Kanyang mga Apostol sa Huling Hapunan, itinuro sa kanila ni Cristo na kung napaglilingkuran ng Panginoon ang Kanyang mga tagasunod, mapaglilingkuran din nila ang isa’t isa. Sabi Niya, “Ang alipin ay hindi higit na dakila kaysa kanyang panginoon, o ang sinugo ay higit na dakila kaysa nagsugo sa kanya” (Juan 13:16).

Aktibidad

Ipinakita sa atin ni Cristo na pinaglilingkuran ng mga lider ang kanilang mga tagasunod at binibigyan sila ng inspirasyon na maging mga lider rin. Isipin ang mga taong pinamumunuan o naiimpluwensyahan mo sa bahay, sa iyong tungkulin sa Simbahan, o sa trabaho. Paano mo sila mapaglilingkuran at mahihikayat?

Isiping ilista ang ilang tao na maaari mong paglingkuran, at mag-isip ng mga partikular na paraan na mapaglilingkuran o mabibigyang-inspirasyon mo sila sa isang espesyal na paraan (tulad ng pagpapadala sa kanila ng nakasisiglang mensahe o pagtulong sa kanila sa tungkulin nila sa Simbahan).

  1. _______________________________

  2. _______________________________

  3. _______________________________

  4. _______________________________

  5. _______________________________