2023
Paano Tayo Magkakaroon ng Walang-hanggang Pananaw?
Hunyo 2023


“Paano Tayo Magkakaroon ng Walang Hanggang Pananaw?,” Liahona, Hunyo 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Lucas 22; Juan 18

Paano Tayo Magkakaroon ng Walang-hanggang Pananaw?

Larawan
babaeng nagdarasal

Nang magdusa si Jesucristo para sa bawat isa sa atin sa Halamanan ng Getsemani, dalangin Niya, “Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang kopang ito; gayunma’y huwag ang kalooban ko ang mangyari kundi ang sa iyo” (Lucas 22:42). Hindi inalis ang saro. Siya ay nagpasakop sa kalooban ng Ama at “ininom at tinapos [Niya ang Kanyang] paghahanda para sa mga anak ng tao” (Doktrina at mga Tipan 19:19).

Paano nakahanap si Jesucristo ng lakas para makapagtiis? Maaaring bahagi ng sagot rito ay dahil alam Niya na ang Kanyang kaharian ay hindi sa daigdig na ito (tingnan sa Juan 18:36). Ang Kanyang pagdurusa ay naghanda ng daan para sa isang bagay na walang hanggan ang kahalagahan—isang landas para makapasok tayo sa Kanyang kaharian.

Mga Paraan para Magkaroon ng Walang Hanggang Pananaw

Tulad ni Cristo, maaari tayong magkaroon ng walang hanggang pananaw. “Ang pananaw sa ebanghelyo ay nagpapalawig ng ating tingin tungo sa walang hanggang pananaw. Kapag nagsuot kayo ng ‘salamin ng ebanghelyo,’ gaganda ang inyong pananaw, pokus, at tingin sa paraan ng pag-iisip ninyo tungkol sa inyong mga prayoridad, problema, tukso, at maging sa inyong mga kamalian. Makikita ninyo ang higit na liwanag na hindi ninyo makikita kung wala ito” (Gary E. Stevenson, “Espirituwal na Eklipse,” Liahona, Nob. 2017, 45).

Narito ang apat na paraan para matularan natin ang halimbawa ni Jesucristo at magkaroon ng walang hanggang pananaw. Tulad Niya, maaari din tayong magkaroon ng lakas na sabihing, “Huwag ang kalooban ko ang mangyari kundi ang sa iyo.”

  1. Taimtim na manalangin (tingnan sa Lucas 22:41–42).

  2. Magkaroon ng kaugnayan ng pagmamahal at pakikiisa sa Diyos (tingnan sa Juan 17:20–26).

  3. Umasa sa tulong ng langit (tingnan sa Lucas 22:43).

  4. Tumingin sa hinaharap huwag lamang sa kasalukuyan (tingnan sa Juan 18:36–37).