2023
Ano ang Tama o Ano ang Popular?
Hunyo 2023


“Ano ang Tama o Ano ang Popular?,” Liahona, Hunyo 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19

Ano ang Tama o Ano ang Popular?

Larawan
kahoy na karatula na may mga pana na nakaturo ng iba’t ibang direksyon

Nang suriin ni Poncio Pilato si Jesucristo, nakita niyang wala Siyang kasalanan (Lucas 23:4). “Kagustuhan [ni Pilatong] palayain si Jesus,” ngunit ang mga tao ay “ipinagsisigawan na siya’y ipako sa krus” (Lucas23:20, 23). Dahil sa kagustuhang “bigyang-kasiyahan ang mga taong-bayan,” nakinig si Pilato sa mga tao (tingnan sa Marcos 15:15).

“Hindi Taga-sanlibutan”

Bilang mga disipulo ni Jesucristo, patuloy tayong nahaharap sa mga pagpili sa pagitan ng paggawa ng tama at paggawa ng popular. Sinabi ni Jesucristo sa Kanyang mga disipulo, “Kung kayo’y taga-sanlibutan, iibigin kayo ng sanlibutan na parang sa kanya. Ngunit dahil kayo’y hindi taga-sanlibutan, kundi kayo’y pinili ko mula sa sanlibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanlibutan” (Juan 15:19).

Sa anong mga sitwasyon ka maaaring makaranas ng pamimilit ng barkada?

Ano ang maaari mong gawin o sabihin sa mga sitwasyong iyon para piliin ang tama? Kung may mga anak ka, maaaring makatulong sa iyo na isadula kung paano sila tutugon sa pamimilit ng barkada. Ipaalala sa kanila na ang pagpili ng tama ay maaaring nangangahulugang hindi paggawa ng ginagawa ng kanilang mga kaibigan, ngunit ang pagpili ng tama ay naglalapit sa atin sa Ama sa Langit.