Seminary
Home-Study Lesson: Doktrina at mga Tipan 84–87 (Unit 18)


Home-Study Lesson

Doktrina at mga Tipan 84–87 (Unit 18)

Mga Materyal sa Paghahanda para sa Home-Study Teacher

Buod ng mga Daily Home-Study Lesson

Ang sumusunod na buod ng mga pangyayari, doktrina, at alituntunin na natutuhan ng mga estudyante sa pag-aaral nila ng Doktrina at mga Tipan 84–87 (unit 18) ay hindi nilayong ituro bilang bahagi ng iyong lesson. Ang lesson na iyong ituturo ay nakatuon lamang sa ilan sa mga doktrina at mga alituntuning ito. Sundin ang mga pahiwatig ng Banal na Espiritu habang iniisip mo ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante.

Day 1 (Doktrina at mga Tipan 84:1–42)

Pinag-aralan ng mga estudyante ang isang paghahayag tungkol sa templo na itatayo sa Bagong Jerusalem, at nabasa rin nila ang tungkol sa pagsisikap ni Moises na ihanda ang kanyang mga tao na pumasok sa kinaroroonan ng Diyos. Nalaman ng mga estudyante ang mga sumusunod na alituntunin: Upang maging katulad ng Diyos at makapanahan sa Kanyang kinaroroonan, dapat nating tanggapin ang mga ordenansa ng Melchizedek Priesthood; at kung ang mga tumatanggap ng priesthood ay tutupad sa kanilang mga tungkulin, pababanalin sila ng Diyos at ibibigay sa kanila ang lahat ng mayroon Siya.

Day 2 (Doktrina at mga Tipan 84:43–120)

Nalaman ng mga estudyante sa lesson na ito ang dalawang alituntunin na makatutulong sa kanila na makabalik sa kinaroroonan ng Diyos: Kung tayo ay makikinig nang mabuti sa salita ng Diyos, maliliwanagan tayo sa pamamagitan ng Espiritu ni Cristo; at kung makikinig tayo sa Espiritu ni Jesucristo, lalapit tayo sa Ama. Nalaman din ng mga estudynate na didilim ang ating isipan at parurusahan kung babalewalain natin ang salita ng Diyos. Ang payo na pag-aralan ang mga banal na kasulatan nang tapat at ipamuhay ang itinuturo nito ay muling binigyang-diin sa lesson na ito. Bukod pa rito, nalaman ng mga estudyante na may responsibilidad ang lahat ng Banal sa mga Huling Araw na gawin ang kanilang bahagi sa pagtulong na madala ang ebanghelyo sa buong mundo.

Day 3 (Doktrina at mga Tipan 85-86)

Sa lesson na ito inisip ng mga estudyante ang kahalagahan ng mga talaan ng Simbahan. Nalaman nila na kung ipamumuhay natin ang mga batas ng Diyos, ang ating mga pangalan ay maisusulat sa mga talaan ng Simbahan bilang matatapat na miyembro ng Simbahan. Naragdagan din ang kaalaman ng mga estudyante tungkol sa talinghaga ng trigo at ng mga pangsirang damo, at natuklasan nila na titipunin ng Panginoon ang mabubuti sa mga huling araw at pagkatapos ay lilipulin ang masasama sa Kanyang Ikalawang Pagparito. Bukod pa rito, nalaman ng mga estudyante na makapagdadala tayo ng kaligtasan sa iba sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na matanggap ang mga pagpapala ng ebanghelyo.

Day 4 (Doktrina at mga Tipan 87)

Pinag-aralan ng mga estudyante ang propesiya ni Propetang Joseph Smith tungkol sa digmaan sa mga huling araw at nalaman na ihahayag ng Panginoon sa atin ang mangyayari sa hinaharap sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta. Nalaman din ng mga estudyante na ang mga salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith ay natupad at kung paano natupad ang mga ito. Pinagnilayan din nila ang kahalagahan ng pagtayo sa mga banal na lugar at pagiging matatag hanggang sa dumating ang Panginoon.

Pambungad

Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na mas maunawaan at maipaliwanag ang doktrina ng priesthood. Nagbibigay rin ito ng pagkakataon sa mga estudyante na maibahagi ang natutuhan nila sa linggong ito sa kanilang pag-aaral kung paano tayo kikilos nang mas mabuti bilang mga kasangkapan ng Diyos at gagampanan ang tungkulin sa priesthood.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Paalala: Sa paghahanda para sa lesson na ito, sabihin sa isang estudyante na magdala sa klase ng kopya ng priesthood line of authority (ng kapamilya o marahil ng sarili nila). Ang isang kopya ng personal na Melchizedek Priesthood line of authority ng isang miyembro ay makukuha mula sa Member and Statistical Records of the Church sa pamamagitan ng pag-email ng kahilingan sa lineofauthority@ldschurch.org na may PLA sa subject line. Isang automated reply ang magpapadala ng isang form na pupunan at ibabalik.

Doktrina at mga Tipan 84

Inilahad ng Panginoon ang priesthood lineage ni Moises

Tulungan ang mga estudyante na marebyu ang ilang terminolohiya na natutuhan nila sa linggong ito at pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sa bawat magkapartner, sabihin sa isang estudyante na tumalikod sa pisara para hindi niya ito makita. Ipaliwanag na magsusulat ka sa pisara ng isang key word o phrase na nauugnay sa pangunahing doktrina ng ebanghelyo. Ang mga estudyanteng nakaharap sa pisara ay bibigyan ng kahulugan o ilalarawan ang key word o phrase nang tahimik sa kapartner nila, at huhulaan ng kapartner nila ang salita o parirala. Pagkatapos ay magpapalitan ng gagawin ang mga estudyante, at ipagpapatuloy mo ang aktibidad sa pagsusulat ng bagong salita o parirala sa pisara.

Simulan ang aktibidad at isulat ang salitang priesthood sa pisara. Matapos matukoy ng mga estudyante ang salitang ito, ipagpatuloy ang aktibidad gamit ang mga sumusunod na salita at parirala: ordenansa, Aaronic Priesthood, tipan, Melchizedek Priesthood, mga nakapagliligtas na ordenansa. (Kung sa palagay ninyo ay makatutulong, maaari kayong huminto kapag natukoy ang bawat isang key word o salita at maikling rebyuhin ang depinisyon nito sa klase. Ang maiikling depinisyon ng ilan sa mga ito ay makukuha sa matching activity sa Unit 18: Day 1 sa gabay sa pag-aaral para sa mga estudyante ng home-study seminary. Para sa mas malalim na paliwanag, tingnan sa “Priesthood at mga Susi ng Priesthood” o “Mga Ordenansa at mga Tipan” sa bahaging Mga Pangunahing Doktrina ng apendiks sa katapusan ng manwal na ito.) Kapag tapos na ang aktibidad, itanong ang sumusunod:

  • Alin sa mga ordenansa ng ebanghelyo ang mga nakapagliligtas na ordenansa? (Sa pagsagot ng mga estudyante, isulat sa pisara ang mga sumusunod na ordenansa: binyag, kumpirmasyon, ordenasyon sa Melchizedek Priesthood [para sa kalalakihan], endowment sa templo, at pagbubuklod sa templo.)

Ipaliwanag na itinuturo sa Doktrina at mga Tipan 84 na hangarin ni Moises na tulungan ang ibang tao na mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng mga nakapagliligtas na ordenansa ng priesthood. Ipabasa nang mabilis sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 84:6–17 para malaman kung paano matatalunton ni Moises ang kanyang priesthood authority pabalik kay Adan, na tumanggap nito mula sa Diyos.

  • Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa priesthood mula sa mga talatang ito? (Maaaring iba-ibang alituntunin ang matukoy ng mga estudyante, ngunit tiyaking mabigyang-diin ang sumusunod: Ang priesthood ay nagmula sa Diyos at ipinagkakaloob sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga taong may awtoridad.)

Sa bahaging ito ng lesson, sabihin sa estudyante na ipakita ang halimbawa ng priesthood line of authority, maaaring basahin o isulat ito sa pisara. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ipinapakita sa priesthood line of authority kung paano ipinagkaloob ang awtoridad ng priesthood sa isang tao mula sa isang maytaglay ng priesthood, mula kay Jesucristo hanggang sa isang maytaglay ng priesthood ngayon.

  • Sa inyong palagay, bakit mahalaga na matalunton ng mga lider ng priesthood ang linya ng priesthood authority pabalik sa Diyos? (Tingnan sa Mga Hebreo 5:4.)

  • Ano ang mga naranasan ninyo na nagpalakas ng inyong patotoo tungkol sa priesthood?

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng sumpa at tipan ng pagkasaserdote o priesthood sa Doktrina at mga Tipan 84:33–44.

  • Anong pagpapala ang ipinangako ng Panginoon sa mga tumanggap ng priesthood at tumupad sa kanilang tungkulin? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang sumusunod na alituntunin: Kung ang mga tumanggap ng priesthood ay tutupad sa kanilang mga tungkulin, pababanalin sila ng Diyos at ipagkakaloob sa kanila ang lahat ng mayroon Siya.)

  • Ano ang ilan sa mga paraan na tinutupad ng mga maytaglay ng Aaronic Priesthood ang kanilang mga tungkulin sa priesthood?

  • Kailan kayo napagpala dahil tinupad ng isang maytaglay ng priesthood ang kanyang tungkulin?

Upang matulungan ang mga estudyante na maibahagi ang nalaman nila sa kanilang pag-aaral sa linggong ito, maaari mong itanong ang ilan o lahat ng mga sumusunod na tanong. (Paalala: Sa paghahanda mo sa bahaging ito ng lesson, maaari mong rebyuhin ang day 2 ng unit na ito sa gabay sa pag-aaral para sa mga estudyante ng home-study seminary.)

  • Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa kahalagahan ng pakikinig na mabuti sa salita ng Diyos? (Tingnan sa D at T 84:43–45, 54–58.)

  • Ano ang nagawang kaibhan ng matapat ninyong pag-aaral at pagsunod sa salita ng Diyos sa inyong buhay?

  • Ano ang responsibilidad natin sa mga tao sa mundo? (Tingnan sa D at T 84:61–62, 85–88.)

  • Paano kayo makatutulong sa pagtupad sa obligasyong dalhin ang ebanghelyo sa buong mundo?

Doktrina at mga Tipan 87

Iprinopesiya ni Joseph Smith na bubuhos ang digmaan sa lahat ng bansa

Sabihin sa mga estudyante na ibuod ang nalaman nila tungkol sa propesiyang nakapaloob sa Doktrina at mga Tipan 87.

  • Paano napalakas ng pag-aaral ninyo ng paghahayag na ito ang inyong pananampalataya na maihahayag ng Panginoon ang mangyayari sa hinaharap sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta?

  • Paano napalakas ng Doktrina at mga Tipan 87 ang inyong patotoo na si Joseph Smith ay totoong propeta?

Pagtibayin na lahat ng propesiya sa Doktrina at mga Tipan 87 ay natupad na o matutupad. Ipabasa sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 87:8 upang malaman kung ano ang iniutos ng Panginoon na gawin natin para maging handa tayo sa mga digmaan at kapahamakan na mangyayari sa mundo sa mga huling araw.

  • Ano ang iniutos ng Panginoon na gawin natin? (Tulungan silang matukoy ang sumusunod na alituntunin: Dapat tayong tumayo sa mga banal na lugar at huwag matinag hanggang sa dumating ang Panginoon.)

  • Ano ang ilang banal na lugar na makapagbibigay sa atin ng kapayapaan at kaligtasan?

  • Paano kayo nabiyayaan ng kapayapaan o kaligtasan sa pamamagitan ng pagtayo sa isa sa mga banal na lugar na ito?

Tapusin ang lesson na ito sa pagpapatotoo sa mga katotohanang tinalakay ninyo.

Susunod na Unit (Doktrina at mga Tipan 88–89)

Upang maihanda ang mga estudyante sa pag-aaral nila ng Doktrina at mga Tipan 88–89, maaari mong sabihin sa kanila na pag-isipan ang sumusunod: Nadama na ba ninyong nag-iisa kayo o nag-aalala na hindi nalalaman ng Ama sa Langit ang inyong personal na kalagayan o mga pangangailangan? Sa pag-aaral ninyo ng Doktrina at mga Tipan 88, alamin ang mga sagot ng Panginoon sa ganitong damdamin. Anong “masasama at mga pakana [ang] iiral sa mga puso ng mga nagsasabwatang tao” (D at T 89:4) sa mga huling araw? Sa pag-aaral ninyo ng Doktrina at mga Tipan 89, alamin ang ipinayo ng Panginoon na poprotekta sa inyo mula sa masasama at mga pakana.