2010
Ang Unang Regalo sa Pasko
Disyembre 2010


Ang Unang Regalo sa Pasko

“Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak” (Juan 3:16).

  1. Ilang linggo pa bago ang araw ng Pasko, ngunit naitayo na ni Truman at ng kanyang pamilya ang Christmas tree. Nasasabik siya habang iniisip ang tungkol sa mga regalong inaasam niyang makita sa ilalim ng puno sa umaga ng Pasko.

  2. Pagkaraan ng ilang araw pumasok si Truman sa sala at nakita roon ang isang maliit na kahon sa ilalim ng puno. Nakabalot ito sa pulang papel at nakatali ng berdeng laso.

    Ang ating unang regalo! Sino ang nagpadala nito? Si Lola po ba?

    Hindi.

    Galing po ba ito sa isa sa mga pinsan ko?”

    Hindi.

  3. Nalito si Truman.

    Kung gayon, sino po ang nagpadala nito?

    Kailangan mong maghintay para malaman. Ang masasabi lang namin ay napakaespesyal na regalo nito.

  4. Sa pagdaan ng mga araw, dumami ang mga regalo sa ilalim ng puno, ngunit inisip pa rin ni Truman ang tungkol sa unang regalong nakabalot sa pulang papel na may berdeng laso. Saan ito nanggaling?

  5. Pagsapit ng umaga ng Pasko, nagmamadaling ginising ni Truman ang kanyang mga kapatid at magulang.

    Gising na! Pasko na!

  6. Pagdating nila sa puno, nasabik si Truman na makita ang mga regalo sa ilalim niyon.

    Truman, maaari mong buksan ang maliit na kahon na nakabalot sa pulang papel at may berdeng laso.

    Sabik si Truman na makita ang nasa loob nito sa wakas.

  7. Inalis ni Truman ang takip at nakita ang ilang maliliit na bagay. Isa-isa niyang inilabas ang mga ito—isang larawan ni Jesucristo, isang tula tungkol sa pagsilang ni Jesus, at isang bituin. Ipinakita ni Truman ang larawan sa lahat, at binasa ni Itay ang tula.

    Inilagay ko ang kahon sa ilalim ng puno para maalala natin ang tunay na dahilan kung bakit natin ipinagdiriwang ang Pasko.

  8. Masaya si Truman na maalala si Jesus.

    Itay, inilagay ninyo ang kahon sa ilalim ng puno, pero ngayon ay alam ko na kung sino talaga ang nagbigay sa atin ng regalong ito.

    Sino?

    Ang Ama sa Langit po.

Mga paglalarawan ni Adam Koford