2010
Alam Kong Buhay ang Aking Manunubos
Disyembre 2010


Oras ng Pagbabahagi

Alam Kong Buhay ang Aking Manunubos

Sa pagbabasa ninyo ng mga banal na kasulatan, nagiging katulad kayo ng ilan sa mga taong nakita ni Lehi sa kanyang pangitain ng punungkahoy ng buhay (tingnan sa 1 Nephi 8). May nakitang mga tao si Lehi na nakakapit sa gabay na bakal at ayaw bumitiw rito. Ang mga tao ay may patotoo kay Jesucristo, at tinulungan sila ng gabay na bakal na lumapit sa Kanya. Ang gabay na bakal ang salita ng Diyos—ang mga banal na kasulatan at mga salita ng ating mga propeta. Nalaman ng mga taong kumapit sa gabay na bakal na si Jesucristo ay buhay. Siya ang ating Tagapagligtas at Manunubos. Naparito Siya sa lupa tulad ng sinabi ng mga propeta, at muli Siyang magbabalik sa lupa.

Habang patuloy ninyong ginagawa ang mga bagay na inyong natutuhan sa taong ito, pagpapalain kayong malaman na si Jesucristo ay buhay. Magkakaroon kayo ng sariling patotoo.

Disyembre 2010 Journal Tungkol sa mga Banal na Kasulatan

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 76:22.

Manalangin sa Ama sa Langit na tulungan kang malaman na si Jesucristo ay buhay.

Isaulo ang Doktrina at mga Tipan 76:22.

Pumili ng isa sa mga aktibidad na ito o lumikha ng sariling iyo:

  • Tulungan ang ibang tao na isaulo ang Doktrina at mga Tipan 76:22.

  • Hilingin sa iyong mga magulang o sa Primary teacher na ipakita sa inyo ang isang talatang gusto nila na nagtuturo tungkol kay Jesus.

  • Gupitin ang mga palamuti sa pahina 63 at hanapin ang mga talatang nasa bawat isa. Habang inilalagay ninyo ang mga palamuti sa isang Christmas tree o sa paligid ng inyong tahanan, hayaang ipaalala nito sa inyo ang Tagapagligtas.

  • Mag-aral ng isang bagong kanta tungkol kay Jesucristo. Maaaring isa itong kanta o himnong Pamasko.

Paano nakakatulong ang ginawa mo para maunawaan ang talatang ito?

Magsulat sa iyong journal o magdrowing ng isang larawan tungkol sa ginawa ninyo.

Isaias 9:6

Job 19:25

D at T 76:22

Mateo 19:14

Kaliwa: paglalarawan ni James Johnson; kanan: paglalarawan ng mga palamuti ni Thomas S. Child; Oras ng Kuwento sa Galilea, ni Del Parson; Pagpipitagan ni Simeon sa Batang Cristo, ni Greg Olsen © 1987, hindi maaaring kopyahin; Ang Ikalawang Pagparito, ni Harry Anderson © IRI; Si Maria at ang Nabuhay na Mag-uling Panginoon, ni Harry Anderson © IRI; background © Dynamic Graphics