2010
Ang Ating Pahina
Disyembre 2010


Ang Ating Pahina

Amanda P., edad 9, Brazil

Mark K., edad 4, Russia

Ang Aking Pamilya

Ang pamilya ko ay ang nanay at tatay ko, ako, isang nakababatang kapatid na lalaki, at isang nakababatang kapatid na babae. Mahal na mahal ko sila. Ang paborito ko ay kapag inilalabas kami ng tatay ko para magsaya. Tuwing umaga nilulutuan ako ng pancake ng tatay ko at pagkatapos ay inihahatid ako sa eskuwela. Nilulutuan ko rin ng pritong itlog ang nanay ko. Nagpapasalamat ako na tinuruan akong magluto ng tatay ko. Sana ay magkasama-sama ang pamilya ko magpakailanman. Gusto kong pag-aralan ang mga banal na kasulatan, manalangin araw-araw, at sundin ang mga utos para magawa ko ang mithiing iyon.

Yuan-wei, edad 7, Taiwan

Isang Lifeboat para kay Inay

Ako ang panganay sa apat na magkakapatid. Gustung-gusto kong tinutulungan ang nanay ko sa maliliit na bata, na 4 at 2 taong gulang, at edad 11 buwan. Kinakantahan ko sila ng mga awitin sa Primary. Pinakagusto nila ang “Ako ay Anak ng Diyos.”

Sabi ng nanay ko, ako ang kanyang “lifeboat.” Masayang-masaya ako kapag sinasabi niya iyon sa akin, dahil ginagawa niya ang lahat para sa aming magkakapatid. Ang pagkaalam na nakakatulong ako ay higit na nagpapalapit sa akin sa Espiritu.

Napakaganda ng mga family home evening namin sa bahay. Tinutulungan kami ng mga ito na mapalapit sa Ama sa Langit.

Victoria M., edad 10, Spain