2019
Bagong Bahaging Pambata ng Liahona
Abril 2019


Digital Lamang

Bagong Bahaging Pambata ng Liahona

Simula sa 2019, nagbago na ang mga pahinang pambata ng Liahona sa tatlong malalaking paraan:

  • Isang hiwalay na bahagi. Mas may access na ngayon ang mga bata sa mga kuwentong nagpapatibay ng pananampalataya at mga aktibidad sa mga pahinang pambata, na tinatawag na Kaibigan. Ang Liahona ay patuloy ring magtatampok ng mga artikulo para sa mga adult, young adult, at kabataan.

  • Mas maraming pahina. Magiging 24 na ang dating 14 na pahina kaya mas marami nang kuwento, aktibidad, at ideya para sa pagtuturo sa mga bata sa tahanan at sa Primary. (Ang mga ideya sa pagtuturo ay nakaayon sa bagong resources na Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.)

  • Bagong papel. Ang bagong papel na kasiya-siya sa bata ay mas madaling gupitin, kulayan, at drowingan.

Ang Kaibigan ay isasama sa suskrisyon ng Liahona nang walang dagdag na halaga at ipapadala kasabay ng magasin. Sa ngayon, hindi maaaring i-order ang Kaibigan nang hiwalay.

Maaaring makatulong ang lahat ng tumatanggap ng Liahona sa pagbibigay sa mga bata ng access sa Kaibigan. Ang mga walang anak sa bahay ay maaari itong ibigay sa isang apo, kaibigan o kapitbahay, o sa isang Primary leader, na maaari namang magbigay nito sa isang bata sa ward o branch.

Para makapag-subscribe o makapagregalo nito, puntahan ang store.lds.org, kontakin ang pinakamalapit na distribution center o kausapin ang inyong ward o branch clerk.

Ipaalam sa Liahona kung paano ninyo ginagamit ang bagong Kaibigan sa tahanan at sa simbahan sa pamamagitan ng pag-email sa liahona@ldschurch.org.