2019
Mga Kabataan
Abril 2019


Mga Kabataan

Larawan
Nyame S.

Noong una akong tumuntong sa senior high school, may isang bagay na talagang mahirap para sa akin: kapag mayroon kaming isang bagong asignatura, napakahirap para sa akin na maunawaan ito. Isang gabi, nagdasal ako sa Ama sa Langit na tulungan akong maunawaan at malampasan ang pagsubok na ito. Mayroon akong pananampalataya, at mas naunawaan ko ito. Simula noon, kasama na ang panalangin at pananampalataya sa aking listahan ng mga dapat gawin sa paaralan at kahit saan man ako pumunta. Mahirap na pumasok sa isang boys school dahil sa ilang imoral na bagay na ginagawa ng mga estudyante. Kapag nangyayari iyon, naaalala ko ang mga salita ng aking mga magulang: “Huwag gawin ang anumang bagay na maglalayo ng Espiritu Santo.” Nagpapasalamat ako sa aking ina, na palaging nagpapaalaala sa akin na makinig sa Espiritu Santo. Kapag ginagawa natin ang tama, pinagpapala tayo ng Diyos.

Nyame S., 16 na taong gulang, Ghana