2019
Bumisita si Elder Bednar sa India
Abril 2019


Mga Apostol sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Bumisita si Elder Bednar sa India

Larawan
Elder Bednar Visits India

Naglakbay si Elder David A. Bednar kasama ng kanyang asawa, si Susan Bednar, para ibahagi ang kanyang patotoo kay Jesucristo sa mga miyembro ng Simbahan sa India. Ang India ay isa sa pinakamalalaking bansa sa mundo. At malapit na itong magkaroon ng sarili nitong templo!

Pumunta sila Elder at Sister Bednar sa lungsod ng Rajahmundry. Wala pang sinumang Apostol ang nakakapunta roon.

Nakamayan ng mga bata si Elder Bednar.

Sa isang miting sa lungsod ng Hyderabad, nakapagtanong ang batang babaeng ito kay Elder Bednar.

Masaya ang lahat na marinig ang patotoo ng isang Apostol ng Diyos!

“Sa dumaraming bilang ng aking paglalakbay sa mundo, sa pagdami ng bansang nabibisita ko, mas maraming tao ang nagpapala sa aking buhay, at mas nalalaman ko na ang lahat ng tao sa mundo, sa pangkalahatan, ay magkakapareho.”

—Elder David A. Bednar