2019
Ang Ating mga Propeta at Apostol
Abril 2019


Ang Ating mga Propeta at Apostol

Larawan

Pinamumunuan ni Jesucristo Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa pamamagitan ng mga propeta at apostol. Basahin ang tungkol sa kanila sa ibaba. Pagkatapos ay gupitin ang mga larawan sa pahina K23 at idikit ang mga ito sa kanilang mga lugar sa tsart. Lagyan ng teyp ang ibabaw ng bawat larawan para maitaas mo ang mga ito upang mabasa ang mga tungkol sa kanila sa ilalim!

Pangulong Russell M. Nelson

Ika-17 Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

  • Dating heart surgeon

  • Nag-aral ng ilang wika, kabilang na ang Mandarin

  • Mayroong 10 anak: 9 na anak na babae at 1 anak na lalaki

Pangulong Dallin H. Oaks

Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan

  • Naglinis ng radio repair shop bilang unang trabaho

  • Naging abogado at hukom sa Korte Suprema ng Utah

  • Naging pangulo ng Brigham Young University

Pangulong Henry B. Eyring

Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan

  • Naglaro ng basketball sa high school

  • Natuto ng physics mula sa kanyang ama gamit ang pisara ng pamilya nila

  • Naging pangulo ng Ricks College, na ngayon ay BYU–Idaho

Pangulong M. Russell Ballard

Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Tinaguriang “ang bishop” sa kolehiyo dahil sa kanyang matataas na pamantayan

  • Nagpatakbo ng isang car dealership

  • Naglingkod bilang missionary sa England at bilang isang mission president sa Toronto, Canada

Elder Jeffrey R. Holland

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Naging mission companion ni Elder Cook sa England

  • Nagtrabaho sa Church Education System

  • Dating pangulo ng BYU

Elder Dieter F. Uchtdorf

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Dalawang beses na naging takas o refugee noong bata pa siya

  • Dating piloto ng eroplano

  • Mahilig mag-ski kasama ng kanyang mga anak at apo

Elder David A. Bednar

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Dating quarterback sa kanyang high school football team

  • Pagkatapos magmisyon sa Germany, bininyagan ang kanyang ama bilang miyembro ng Simbahan

  • Naging pangulo ng Ricks College nang ito ay maging BYU–Idaho

Elder Quentin L. Cook

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Nagkaroon ng patotoo matapos magbasa ng mga banal na kasulatan at manalangin kasama ang kanyang kuya

  • Nakita ang kanyang magiging asawa sa isang junior high school talent show

  • Naglingkod bilang pinuno ng Simbahan sa Pilipinas at sa Pacific Islands

Elder D. Todd Christofferson

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Gumawa ng mga homemade na tinapay para sa kanyang pamilya noong lumalaki siya

  • Nakibahagi sa Hill Cumorah Pageant sa New York noong tinedyer siya

  • Nagtrabaho bilang isang abogado bago naging isang Apostol

Elder Neil L. Andersen

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Lumaki sa isang dairy farm sa Idaho, USA

  • Naglingkod bilang missionary at mission president sa France

  • Nagsasalita ng French, Portuguese, Spanish, at English

Elder Ronald A. Rasband

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Naging mission president sa New York City, USA

  • May motto na “Ang mga tao ang pinakamahalaga”

  • Inilaan ang unang gusali ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Czech Republic

Elder Gary E. Stevenson

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Naglingkod bilang missionary at mission president sa Japan

  • Nagsimula ng negosyo sa paggawa at pagbebenta ng mga kagamitan sa pag-eehersisyo

  • Naglingkod bilang bishop sa buong Simbahan

Elder Dale G. Renlund

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Ang ibig sabihin ng kanyang gitnang pangalan, Gunnar, ay “matapang na sundalo”

  • Lumipat kasama ng kanyang pamilya mula sa Utah patungong Sweden noong siya ay 11

  • Nagtrabaho bilang isang heart doctor

Elder Gerrit W. Gong

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Mahilig sa mga hayop, kabilang na ang mga penguin

  • Gustung-gustong makilala ang mga tao sa bawat bansa

  • Mababakas ang kasaysayan ng pamilya pabalik kay First Dragon Gong na isinilang noong AD 837

Elder Ulisses Soares

Ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Mula sa Brazil at naglingkod bilang missionary doon at mission president sa Portugal

  • Natutuhan ang tungkol sa Simbahan kasama ng kanyang pamilya noong bata pa siya

  • Nagsimulang maghanda sa misyon noon siya ay 12