2019
Ipakita at Ikuwento
Abril 2019


Ipakita at Ikuwento

Larawan
Show and Tell
Larawan
drawing of the temple

Gustung-gusto kong makita ang templo.

Rebecca C., 9 na taong gulang, Aragua, Venezuela

Larawan
Brooklyn B

Isang araw, ayaw umandar ng sasakyan nang sumakay kami rito. Tiningnan namin ang makina, ngunit walang nangyari. Naramdaman ko na dapat akong magdasal, kaya nanalangin ako. Pagkatapos ng ilang minuto, umandar ang sasakyan. Masayang-masaya ako na lagi akong matutulungan ng Ama sa Langit.

Brooklyn B., 9 na taong gulang, Quetzaltenango, Guatemala

Larawan
Sasha K

Gustung-gusto kong maglaro ng footbol kasama ng mga maliliit na bata at turuan sila ng mga bagong kasanayan. Isa itong paraan ng paglilingkod na gusto kong ginagawa.

Sasha K., 11 taong gulang, Moscow, Russia

Larawan
Vestina K

Dalawang taon na ang nakalipas, isang bagong batang lalaki ang napabilang sa aming klase sa paaralan. Hindi siya mabait sa iba. Hindi na siya nagustuhan ng lahat at naging masama sila sa kanya. Tila nagpalungkot ito sa kanya, kaya hindi ko ginawa sa kanya kung ano ang ginawa ng iba. Napansin ito ng ilan sa aking mga kaibigan at tinularan nila ako. Naniniwala ako na kapag ginawa ko ang gustong ipagawa sa akin ng Diyos, magiging mas masaya at mas ligtas ako. Naniniwala ako na kung magkakaroon ako ng lakas ng loob na sabihin kung ano ang nasa isip ko, magkakaroon ako ng mga kaibigan na magugustuhan ako sa kung sino man ako.

Vestina K., 11 taong gulang, Vilnius, Lithuania