2019
10 Araw ng Pasko
Disyembre 2019


10 Araw ng Pasko

Larawan
10 Days of Christmas

Tulungan ang iyong pamilya na paghandaan ang Pasko! Simula sa Disyembre 15, gawin ang isa sa mga aktibidad na ito nang magkakasama bawat araw. Pagkatapos ay kulayan ang bituin.

  • Panoorin ang video na “The Nativity.”*

  • Kumanta ng isang Pamaskong awitin o himno.

  • Maging lalong mabait ngayon, tulad ng gagawin ni Jesus.

  • Basahing muli ang isang mensahe mula sa Pamaskong Debosyonal ng Unang Panguluhan .*

  • Magdrowing ng larawan ng sanggol na si Jesus.

  • Isadula ang pagsilang ni Jesucristo (tingnan sa Lucas 2).

  • Magbahagi ng isang paboritong banal na kasulatan tungkol kay Jesus.

  • Tulungan ang isang taong maysakit o nalulumbay, tulad ng gagawin ni Jesus.

  • Magbasa sa mga banal na kasulatan ng sinabi ni Jesus.

  • Ibahagi kung bakit ka nagpapasalamat kay Jesus.