2019
Mga Kabataan
Disyembre 2019


Mga Kabataan

Larawan
Yona

Larawang kuha ni Christina Smith

Mahal ko ang templo dahil ito ay isang lugar kung saan talagang madarama mo ang Espiritu. Ito ay isang lugar ng kadalisayan kung saan talagang madarama mo ang pag-ibig ni Cristo.

Nagkaroon ako ng pagkakataong manirahan sa Estados Unidos nang isang taon. Pagdating ko roon, talagang nalungkot ako sandali. Nangulila ako sa pamilya ko at sa bahay, pero hindi lang ako roon nahirapan. Wala akong gaanong kaibigan sa paaralan, nahirapan ako sa wika at kultura, at nagkaroon ako ng kaunting problema sa pamilyang tinirhan ko.

Kahit sa Simbahan kung minsan parang nag-iisa ako. Parang gusto ko nang umuwi. Gusto ko talagang makita ulit ang pamilya ko.

Pero naisip ko si Jesucristo at kung paano Siya nagdusa para sa akin. Nagdasal ako, at pinanatag ako ng Diyos. Sa tinitirhan ko noon, napakalapit ng templo—anim na minuto lang naroon ka na. Kaya nagpasiya akong pumunta sa templo nang isang beses sa isang linggo, at talagang naging pagpapala iyon sa buhay ko.

Nagsimulang magbago ang mga bagay-bagay. Nakakita ako ng ilang mabubuting kaibigan, at ginawang posible ng Diyos para sa akin na tapusin ang panahon ko na malayo sa tahanan. Alam ko na nakadama ako ng kapanatagan dahil kay Jesucristo. Binigyan niya ako ng tulong at lakas, at nagbigay iyon sa akin ng lakas ng loob. Iniisip ng mga tao kung minsan na ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay tungkol lamang sa pagsisisi. Ngunit si Cristo ay pinagmumulan din ng malaking kapanatagan. Alam ko na hindi posibleng maunawaan ko ang lahat ng tiniis Niya, ngunit nauunawaan Niya ako.

Yona C., 17, France