2019
Bumisita si Elder Soares sa Colombia
Disyembre 2019


Mga Apostol sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Bumisita si Elder Soares sa Colombia

Ang mga Apostol ay naglalakbay sa iba’t ibang panig ng mundo upang maglingkod sa mga tao at magturo tungkol kay Jesucristo.

Larawan
Elder Soares Visits Colombia

Naglakbay si Elder Ulisses Soares kasama si Pangulong Dallin H. Oaks para ilaan ang isang bagong templo sa Colombia, sa lunsod ng Barranquilla.

Maraming bata ang dumalo kasama ang kanilang mga magulang upang masaksihang ilaan ang bagong templo.

Inanyayahan ni Pangulong Oaks ang isang batang lalaki at isang babae upang ilagay ang batong panulok sa lugar. Natapos na ang templo!

Sa loob ng templo pagkatapos ng seremonya ng paglalagay ng batong panulok, nagbigay ng mensahe si Elder Soares. Pagkatapos ay nagbigay ng isang panalangin si Pangulong Oaks para ilaan ang templo sa Panginoon. Ngayon, ang templo ay bahay ng Panginoon.

Sa susunod ay maaari nang makapasok ang mga bata upang mabuklod sa kanilang mga pamilya at magsagawa ng mga binyag sa templo!