2019
Mga Kuwento Tungkol kay Jesus
Disyembre 2019


Mga Kuwento Tungkol kay Jesus

Larawan
Stories of Jesus

Ang pahinang kukulayan na ito ay batay sa isang magandang stained-glass window sa visitors’ center ng Rome Italy Temple. Ang bintana ay puno ng mga kuwentong itinuro ni Jesus at maraming iba pang mahalagang bahagi ng Kanyang buhay. Mahahanap mo ba ang mga eksenang ito? Ano ang itinuturo sa atin ng mga ito tungkol kay Jesus?

  1. Isang kalapating lumilipad sa kalangitan (tingnan sa Mateo 3:16)

  2. Isang sugatang lalaking nakasakay sa isang buriko (tingnan sa Lucas 10:30–37)

  3. Mga bato sa tabi ng isang babae sa may balon (tingnan sa Juan 8:7)

  4. Mga ibon na nanginginain ng mga binhi sa lupa (tingnan sa Mateo 13:1–9)

  5. Isang babaeng may hawak ng ilawan at isang bote ng langis (tingnan Mateo 25:1–13)

  6. Isang lalaking nakaupo sa tabi ng isang baboy (tingnan sa Lucas 15:11–32)

  7. Isang basket na puno ng tinapay at isda (tingnan sa Lucas 9:13–17)

  8. Isang batang babaeng nakahawak sa damit ng kanyang ina (tingnan sa Marcos 5:39–42)

  9. Isang batang lalaking nakatingala kay Jesus (tingnan sa Marcos 10:13–16)

  10. Isang tandang (tingnan sa Lucas 22:54–62)

  11. Isang mayamang lalaking nakatayo sa isang balkonahe (tingnan sa Lucas 12:16–21)

  12. Isang bangka (tingnan sa Marcos 4:35–41)