2019
Bumisita si Elder Gong sa Italy
Disyembre 2019


Mga Apostol sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Bumisita si Elder Gong sa Italy

Ang mga Apostol ay naglalakbay sa buong mundo upang paglingkuran ang mga tao at turuan sila tungkol kay Jesucristo.

Larawan
Elder Gong Visits Italy

Naglakbay sina Elder Gerrit W. Gong at Sister Susan Gong patungong Italy nang ilaan ang Rome Italy Temple. Iyon ang unang templong itatayo sa isang lugar kung saan nagturo ang mga Apostol ni Jesus noong panahon ng Biblia!

Nagpakuha ng retrato si Elder Gong, ang Unang Panguluhan, at ang iba pang mga Apostol sa bagong visitors’ center. Nakatayo sila sa harapan ng mga estatuwa ni Jesucristo at ng Kanyang mga Apostol.

Kasama ng mga batang ito ang kanilang pamilya para pakinggan ang paglalaan ni Pangulong Russell M. Nelson sa bagong templo. Kapag nasa hustong gulang na sila, maaari na silang gumawa ng mga pagbibinyag sa templo roon!

Hanapin ang video na “Excerpts from ‘The Living Christ: The Testimony of the Apostles’” sa ChurchofJesusChrist.org