2019
Ano ang makakatulong sa akin upang maunawaan ang aklat ng Apocalipsis?
Disyembre 2019


Ano ang makakatulong sa akin upang maunawaan ang aklat ng Apocalipsis?

Larawan
young woman holding up book

Dahil sa mga makabagong propeta, may ilang mga makakatulong sa atin sa pag-unawa sa Aklat ng Apocalipsis. Ibinigay sa atin ni Joseph Smith ang ilang mahahalagang susi sa aklat na ito. Halimbawa:

  • Doktrina at mga Tipan 77. Ang paghahayag na ito ay may format na tanong-at-sagot at nagbibigay sa atin ng mahahalagang kaalaman tungkol sa Aklat ng Apocalipsis. Ito ay nagpapaliwanag ng iba’t ibang salik ng kabanata 4–11 at binibigyang-diin kung paano ito nauugnay sa gawain ng Panginoon sa mga huling araw.

  • Ang Pagsasalin ni Joseph Smith. Maraming talata sa Aklat ng Apocalipsis na tinulungang linawin ni Joseph Smith sa pamamagitan ng kanyang inspiradong pagsasalin ng Biblia. Makikita ninyo ito sa mga tulong sa pag-aaral sa scriptures.ChurchofJesusChrist.org.

Tinulungan tayo ni Joseph Smith na makita na ang Aklat ng Apocalipsis ay hindi kahiwagaan na hindi maunawaan tulad ng iniisip ng ibang tao. At itinuro niya rin sa atin na kung hindi nagbigay ang Diyos ng kahulugan ng isang pangitain, hindi tayo mananagot sa pag-alam nito (tingnan sa History of the Church, 5:343). Tinulungan niya tayong makita na ang pangunahing tuon ng aklat ay si Jesucristo—ang pag-asa na meron tayo sa pamamagitan Niya upang madaig ang mundo at makabalik sa Ama sa Langit.