Mahal na mga Magulang,
Sa buwang ito magbabasa tayo tungkol sa mga misyonero na tulad ni Nakababatang Alma, ni Abis, at ng mga anak ni Mosias. Maaari ninyong gamitin ang laro sa pahina K12–13 o ang kuwento sa K20 upang pag-usapan ang kalalakihan at kababaihang ito mula sa Aklat ni Mormon. Ibinahagi ng bawat isa sa kanila ang ebanghelyo sa iba’t ibang paraan. Paano maibabahagi ng inyong pamilya ang ebanghelyo? Isulat ang isang mithiin tungkol sa gawaing misyonero na susubukan ninyo ngayong buwan—maaari din nga ninyong kopyahin ang inyong paboritong ideya mula sa K10.
Patuloy na magbahagi!
Ang Kaibigan