2020
Hello mula sa Germany!
Hunyo 2020


Hello mula sa Germany!

Larawan
Hello from Germany

Hi, kami sina Margo at Paolo.

Samahan mo kaming bumisita sa Germany!

Ang Germany, o Deutschland, ay isang bansa sa gitnang Europa. Mayroon itong mga gubat at ilog, mga bundok at dalampasigan, at mga nayon at malalaking lungsod. Mga 13 milyong bata ang nakatira sa Germany.

Ang Germany ay may mga 20,000 kastilyo. Daan-daang taon na ang marami rito. Sikat ang isang ito na tinatawag na Neuschwanstein.

Ang sauerkraut, sausage, at Spätzle (noodles) ay mga sikat na pagkain sa Germany.

Mayroong dalawang templo sa Germany. Ang isa ay nasa Freiberg, at ang isa pa ay nasa Frankfurt, na kinaroroonan ng batang ito. Sabi sa palatandaang nakaukit, “Tempel der Kirche Jesu Christi der Heiligen der Letzten Tage” (Templo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw).

Nagagalak na lumahok sa Primary ang mga batang babae at batang lalaki.

Ang Germany ay bantog sa mga pamilihan nila tuwing Pasko. Mahilig tumingin ang mga pamilya sa magagandang ilaw at kumain ng masasarap na pagkain!

Ganito ang hitsura ng Children’’s Guidebook sa wikang German. Ginagamit ito ng mga bata sa Germany para matuto at lumago. Paano mo ginagamit ang guidebook mo sa tinitirhan mo?

Sa unang araw ng pasok sa primarya, bawat bata ay nakakakuha ng isang satchel (backpack), isang pencil case, at isang “school cone” (Schultüte o Zuckertüte) na puno ng mga kendi at maliliit na regalo.

Kilalanin ang ilan sa ating mga kaibigan mula sa Germany!

Ang paborito kong kuwento sa Aklat ni Mormon ay nang bumisita at tinuruan ni Cristo ang mga tao. Gusto kong sundin ang utos ni Cristo na huwag manghusga. Habang lalo kong binabasa ang mga turo ng Tagapagligtas, lalo kong nadarama ang Kanyang pagmamahal at kapayapaan.

Lelia A., edad 10, Franconia, Germany

Alam ko na kung susundin ko ang mga kautusan, may katiyakan at seguridad akong manatili sa landas na patungo sa Diyos. Lagi kong malalaman na may ginawa akong tama kapag nadarama ko ang Espiritu Santo.

Kaleb A., edad 12, Franconia, Germany

Taga-Germany ka ba? Sulatan kami! Gusto naming makarinig mula sa iyo.

Salamat sa pagsama sa amin sa paglalakbay sa Germany. Hanggang sa muli!

Mga paglalarawan ni Katie McDee; larawan ng batang lalaki sa palatandaang nakaukit sa harap ng Frankfurt Germany Temple na kinunan ni Fernanda Rudloff; stock photography ng AdobeStock at Getty Images