2020
Paano Tayo Matutulungan ng mga Tanong ni Alma na Espirituwal na Lumago?
Hunyo 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Paano Tayo Matutulungan ng mga Tanong ni Alma na Espirituwal na Lumago?

Alma 5–7 Hunyo 1–7

Larawan
How can Almas question help us grow spiritually

Kumusta na Ako?

Tinanong ni Alma ang mga tao ng Zarahemla ng 36 na tanong para tulungan silang suriin ang kanilang espirituwal na paglago. Ipinaliwanag ni Pangulong M. Russell Ballard, Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol, na makakatulong ang espirituwal na pagsusuri. Sabi niya, “Para magabayan ako sa … pagsusuring ito, gusto kong basahin at pagnilayan ang mga salita na sumusuri sa sarili nating buhay sa ikalimang kabanata ng Alma.”1

Ano ang Kailangan Kong Baguhin?

Habang binabasa mo ang Alma 5:7–13, hanapin ang itinuro ni Alma kung paano tayo maaaring magbago at mas mapalapit kay Cristo. Isipin kung anong mga bagay ang maaari mong baguhin, at planuhing kumilos.

Paano Ako Napagpala ng Panginoon?

Inanyayahan din ni Alma ang mga tao na alalahanin kung paano iniligtas ng Panginoon ang kanilang mga ama at gunitain ang kanilang pagbabalik-loob. Maaari mong isulat ang iyong sariling kuwento ng pagbabalik-loob upang maalala kung paano ka napagpala ng Panginoon. Maaari mo ring basahin ang mga kuwento ng pagbabalik-loob ng iyong mga ninuno o ng naunang mga miyembro ng Simbahan.

“Maganda sana kung alam ng bawat Banal sa mga Huling Araw ang mga kuwento ng pagsapi ng kanilang mga ninuno. … Bawat isa sa atin ay lubhang pagpapalain kung alam natin ang mga kuwento ng pananampalataya at sakripisyong humantong sa pagsapi ng ating mga ninuno sa Simbahan ng Panginoon.”2

Mga Tala

  1. M. Russell Ballard, “Makabalik at Makatanggap,” Liahona, Mayo 2017, 64.

  2. William R. Walker, “Mamuhay nang Tapat sa Pananampalataya,” Liahona, Mayo 2014, 97, 99.

Paglalarawan ni Carolyn Vibbert