2021
Elder Patricio M. Giuffra
Mayo 2021


Elder Patricio M. Giuffra

General Authority Seventy

Si Elder Patricio M. Giuffra ay apat na taong gulang nang mamatay sa kanser ang kanyang ama. Noong bata pa siya, lumaki siyang nagtatanong sa Diyos at nag-iisip kung bakit napakawalang-katarungan ng buhay.

“Ang aking ama ay naging isang mabuting asawa, ama, at tagapaglaan,” paggunita ni Elder Giuffra. “Bakit niya kinailangang mamatay?”

Dumating ang mga sagot at pag-unawa pagkaraan ng mga isang dekada nang makilala ni Patricio at ng kanyang ina ang mga full-time missionary at tanggapin nila ang ebanghelyo.

Ang plano ng kaligtasan ay nagbigay sa kanya ng pag-asa dahil ipinaunawa nito sa kanya ang pagkawala ng kanyang ama. “Inihanda ng aking ama ang daan para makasapi kami sa Simbahan,” wika niya.

Mula nang mabinyagan siya, naging angkla na ng buhay ni Elder Giuffra ang ebanghelyo ni Jesucristo. “Ang Simbahan na ang buhay ko,” wika niya. “Pakiramdam ko kabilang na ako sa Simbahan noon pa man.”

Isang espesyal na sandali ang nangyari noong 1989 nang ibuklod si Elder Giuffra sa kanyang mga magulang at pumanaw na mga kapatid sa Ogden Utah Temple. Pagkatapos ng ordenansa, bumulong ang kanyang ina, “Nadama ko ang presensya ng iyong ama.”

Si Patricio Mauricio Giuffra Vargas ay isinilang sa Valparaíso, Chile, noong Abril 6, 1962, kina Lazaro Dante Giuffra Riffo at Olga Rosa Vargas Canales. Lumaki siya sa Valparaíso, Chile, at pinakasalan si Maria Eugenia Gonzalez Olmos sa Santiago Chile Temple noong 1992. Mayroon silang apat na anak.

Si Elder Giuffra ay tumanggap ng bachelor‘s degree sa marketing and translation/interpretation mula sa Brigham Young University noong 1990 at master of business administration degree mula sa BYU noong 1994.

Nakapagtrabaho na siya bilang purchasing manager para sa Woodgrain Millwork (1994–96), sales manager at operations manager para sa Alvenius Chilena (1996–98), at general manager sa Carbotech Chile (1998–99) at Arcotex SA (2000 hanggang sa kasalukuyan).

Si Elder Giuffra ay nakapaglingkod na bilang full-time missionary sa Chile Osorno Mission, stake executive secretary, stake Young Men president, bishop, at stake president. Bago siya tinawag bilang General Authority Seventy, naglilingkod siya bilang Area Seventy sa South America.