2021
Elder Paul V. Johnson
Mayo 2021


Mga Bagong Calling

Elder Paul V. Johnson

Panguluhan ng Pitumpu

Isa sa mahahalagang aral na natutuhan ni Elder Paul V. Johnson mula sa maraming taon niyang pagtatrabaho sa edukasyon sa Simbahan ay para sa mga tumutupad ng kanilang mga tipan, tinutupad ng Panginoon ang Kanyang mga pangako—anuman ang mga hamon ng buhay.

“Bagama‘t nagdaranas tayo ng kawalang-katiyakan sa ilang aspeto ng buhay, may mga pangako sa atin na tiyak,” sabi niya kamakailan. “Hindi natin matutulutan ang walang-katiyakang mga pag-asam na iwaksi tayo mula sa tiyak na mga pangako ng Panginoon.”1

Ngayon, nahaharap ang mga anak ng Diyos sa isang pandaigdigang pandemya, polarisasyon sa lipunan, at pagbaha ng social media. Ngunit kapag ipinamumuhay natin ang ating mga tipan, sabi ni Elder Johnson, binibigyan tayo ng Panginoon ng patnubay, kapangyarihan, at kapanatagan.

Noong Abril 3, 2021, sinang-ayunan si Elder Johnson bilang miyembro ng Panguluhan ng Pitumpu, na epektibo sa Agosto 1, 2021. Si Elder Johnson ay naglingkod bilang ika-16 na Commissioner ng Church Educational System mula 2008 hanggang 2015, at nagpatuloy sa katungkulang iyon noong 2019.

Si Paul Vere Johnson ay isinilang noong Hunyo 24, 1954, sa Gainesville, Florida, USA, kina Vere at Winefred Johnson. Matapos lumaki sa Logan, Utah, USA, naglingkod siya sa Norway Oslo Mission. Kasunod ng kanyang misyon, pinakasalan niya si Leslie Jill Washburn sa Logan Utah Temple noong 1976. Mayroon silang 9 na anak at 40 apo.

Si Elder Johnson ay nagkamit ng isang bachelor’s degree sa zoology/botany mula sa Brigham Young University noong 1978, isang master of education mula sa BYU noong 1982, at isang doctorate sa instructional technology mula sa Utah State University noong 1989.

Nagturo siya sa seminary sa loob ng 12 taon sa Arizona at Utah bago nagtrabaho sa iba’t ibang katungkulan sa pagbubuo ng kurikulum at sa pangangasiwa para sa Church Educational System sa Salt Lake City.

Si Elder Johnson ay sinang-ayunan bilang miyembro ng Unang Korum ng Pitumpu noong Abril 2, 2005. Nakapaglingkod na rin siya bilang Area Seventy, tagapayo sa isang stake presidency, stake high councilor, bishop, at ward Young Men president.

Tala

  1. Tingnan sa Paul V. Johnson, “Forward with Hope and Faith” (mensahe sa pagtatapos, Brigham Young University–Hawaii, Dis. 11, 2020), speeches.byuh.edu.