2021
Ang mga Virtual na Kaganapan ay Lumilikha ng Pagkakaisa
Mayo 2021


Ang mga Virtual na Kaganapan ay Lumilikha ng Pagkakaisa

Ang mga virtual na kaganapan ay nakalikha ng maraming pagkakataon para madama ng mga miyembro ng Simbahan ang pagkakaisa sa mga layunin ng at pag-unawa sa ebanghelyo.

Kaibigan sa Kaibigan

Itinataguyod ng Primary General Presidency, ang kaganapang ito para sa mga bata, magulang, at lider ay pinangasiwaan ng isang batang lalaki at isang batang babae na nagsasalita ng kanilang katutubong wika sa English, Spanish, o Portuguese. Ang iba pang mga bata ay nagbigay ng mga on-site report mula sa buong mundo. Kabilang sa pagtatanghal ang mga kuwentong video tungkol kay Jesucristo, isang mensahe para sa mga bata mula kay Pangulong Russell M. Nelson, isang interbyu tungkol sa mga tipan sa binyag kasama si Elder Ulisses Soares ng Korum ng Labindalawang Apostol, at mga pakikipagtalakayan sa Primary General Presidency. Kinabilangan din ito ng mga lesson sa drowing, aktibidad na likhang-sining, at pagkanta. Ang kaganapan ay naisalin at makukuha para mapanood sa iba pang mga wika. Makukuha rin ito sa mas maiikling segment para magamit sa pag-aaral ng ebanghelyo sa bahay.

Pagdiriwang ng Young Women

Pinangasiwaan ng Young Women General Presidency ang isang virtual na kaganapan na minarkahan ang ika-150 anibersaryo ng organisasyon ng Young Women. Ibinrodkas ito sa 11 wika. Naglaan si Pangulong Nelson ng isang nakarekord na mensahe, at sinagot ng mga pinuno ng Young Women ang mga tanong sa English, Spanish, at Portuguese. Mga kabataang babae sa Norway at Thailand ang nag-alay ng mga panalangin. Noong 2020, hinikayat ang mga kabataang babae sa buong mundo na gumawa ng 150 paglilingkod.

RootsTech Connect

Mahigit isang milyong interesado sa family history ang sumali sa virtual RootsTech event noong Pebrero 2021. Ito ang pinakamalaking bilang ng mga kalahok sa naging pinakamalaking pagdiriwang ng family history sa mundo. Napadali ng RootsTech ang pagkakaroon ng isang virtual learning library na magagamit sa buong taon. Si Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol at ang kanyang asawang si Patricia ang naging tampok na mga tagapagsalita para sa Family Discovery Day, na isang taunang bahagi ng pagtitipon.

Youth Music Festival

Itinampok sa pandaigdigang Youth Music Festival noong Marso ang mga talento sa musika at mga patotoo. Pinangasiwaan ng mga kabataan mula sa New Zealand, Brazil, the Dominican Republic, Germany, South Africa, at Philippines ang programa, na ibinatay sa tema ng mga kabataan ng Simbahan para sa 2021 na, “Isang Dakilang Gawain” (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 64:33–34). Bukod pa sa musika at mga mensaheng nakasentro kay Cristo mula sa kanilang mga kaedad, nakinig din ang mga kabataan kay Pangulong Nelson; Pangulong Bonnie H. Cordon, Young Women General President; at Pangulong Steven J. Lund, Young Men General President.

Mga Oportunidad para sa Kababaihan

Si Pangulong Jean B. Bingham, Relief Society General President, ang pangunahing tagapagsalita sa ikalimang taunang International Women-in-Diplomacy Day symposium. Itinataguyod ng honorary consul general ng Republic of Senegal, ang virtual na kaganapan ay nagmula sa Los Angeles, California, USA. Sinabi ni Pangulong Bingham sa mga international business leader at diplomat na ang edukasyon ang susi sa tagumpay ng kababaihan at mga batang babae sa buong mundo. Nagbahagi siya ng mga halimbawa ng kababaihang napagpala ng inisyatibong Gospel Literacy ng Simbahan.

Mga Christmas Concert

Ang mga miyembro ng Simbahan at mga kaibigan sa iba pang mga relihiyon mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay nagsumite ng mga pagtatanghal ng mga Pamaskong video na inedit sa mga konsiyerto at ibinrodkast sa ChurchofJesusChrist.org sa buong Kapaskuhan bilang bahagi ng taunang Pandaigdigang Pamaskong kampanya na Maging Ilaw ng Sanlibutan.