2021
Bagong Katungkulan: International Area Organization Adviser
Mayo 2021


Bagong Katungkulan: International Area Organization Adviser

Inaprubahan kamakailan ng Unang Panguluhan ang isang bagong katungkulang tinatawag na international area organization adviser. Ang kababaihang naglilingkod sa katungkulang ito ay tatawagin para suportahan ang mga lider ng Relief Society, Young Women, at Primary sa mga area kung saan sila naninirahan sa buong mundo. Tutulong silang maglaan ng training at mentorship para sa mga lokal na lider sa labas ng Estados Unidos at Canada.

Ang pangangailangan para sa mga area adviser ay pagpapasiyahan ng Korum ng Labindalawang Apostol, ng Panguluhan ng Pitumpu, at ng mga Area Presidency. Sa mga lugar kung saan sila tinawag, lalahok din ang mga volunteer adviser sa mga council sa loob ng area habang nakikipagtulungan sila sa kalalakihan at kababaihan ng Simbahan sa kani-kanilang area. Maglilingkod sila sa ilalim ng pamamahala ng mga Area Presidency sa loob ng tatlo hanggang limang taon.