“Johannesburg, South Africa,” Liahona, Mar. 2023.
Narito ang Simbahan
Johannesburg, South Africa
Dumating ang mga unang missionary mula sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa South Africa noong 1852. Sa mga taon mula noon, nadaig ng mga miyembro ang mga sagabal patungkol sa lahi at kultura para bumuo ng pagkakaisa at pagkakaibigan. Ang Simbahan sa South Africa ay mayroon na ngayong:
-
69,400 miyembro (humigit-kumulang)
-
17 stake, 195 ward at branch, 4 na mission
-
2 templo (Johannesburg at Durban) at 1 ibinalita (Cape Town)
Pinagpala ng Ebanghelyo
Yakap ng kanyang apong si Thuto (nasa kaliwa) at ng kanyang pamangking si Lizzie Mohodisa (nasa kanan), sinabi ni Dimakatso Ramaisa (gitna) na ang sama-samang pagsasabuhay ng ebanghelyo ay nagpapala sa tatlong henerasyon.
Larawang kuha ni Papama Tungela
Iba pa tungkol sa Simbahan sa South Africa
-
Mga totoong pangyayari, estadistika, at kasaysayan ng Simbahan sa South Africa.
-
Natupad ng isang lalaki mula sa South Africa ang kanyang mithiing dumalo sa templo.
-
Ang Aklat ni Mormon ay may walang-hanggang epekto sa mga miyembro sa South Africa.
-
Ang Simbahan ay nag-ambag ng mga wheelchair at mobility aid sa isang probinsya sa South Africa.
-
Inilaan ni Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol ang pangalawang templo sa South Africa.
-
Ibinahagi ng mga miyembro ang kanilang mga karanasan mula noong 1980s, nang unang pagsama-samahin ang mga branch sa South Africa.
Ang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay bahagi ng buhay para sa mga Banal sa mga Huling Araw sa South Africa, tulad sa mga Banal sa mga Huling Araw sa buong mundo.
Ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ng pamilya ay mataas na prayoridad din para sa mga miyembro ng Simbahan sa South Africa.
Malapit sa Cape Town, naglalakad-lakad ang isang pamilya sa dalampasigan, na nasa background ang Table Mountain.
Nakatipon ang isang grupo ng kababaihan malapit sa Durban South Africa Temple bago ito inilaan.
Tinuturuan ng isang ama sa Johannesburg, South Africa, ang kanyang mga anak tungkol sa resources ng Simbahan na matatagpuan online.
Inilaan ang Durban South Africa Temple noong ika-16 ng Pebrero 2020.
Bumabati si Elder Ronald A. Rasband at ang kanyang asawa sa mga miyembro pagkatapos ng isang pulong sa South Africa.