2023
Paano Ako Matutulungan ng Tagapagligtas?
Marso 2023


“Paano Ako Matutulungan ng Tagapagligtas?,” Liahona, Mar. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mateo 8; Lucas 7

Paano Ako Matutulungan ng Tagapagligtas?

Larawan
lalaking nakaluhod sa harapan ni Jesus

Healing the Leper [Pinagagaling ang Ketongin], ni E. S. Hardy © Providence Collection / lisensyado ng Goodsalt.com

Si Jesucristo ay “naglibot … na gumagawa ng mabuti” (Mga Gawa 10:38): pinagaling Niya ang isang ketongin (tingnan sa Mateo 8:2–3). Pinagaling Niya ang alipin ng senturion, na nakadama na hindi siya karapat-dapat ngunit naniwala na tutulungan pa rin siya ng Tagapagligtas (tingnan sa Mateo 8:5–13). Nag-alok Siya ng kapayapaan sa Kanyang mga disipulo noong may bagyo (tingnan sa Mateo 8:23–27). Nang makita Niya ang isang babaeng nalungkot sa pagkamatay ng kanyang kaisa-isang anak, inalo Niya ito at binigyan ng pag-asa, pagkatapos ay binuhay ang anak nito mula sa mga patay (tingnan sa Lucas 7:11–15).

Aktibidad

Madarama natin ang kapangyarihan ng Tagapagligtas ngayon kapag sumampalataya tayo sa Kanya. Basahin ang isa sa mga salaysay mula sa babasahin sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa linggong ito. Pansinin kung paano tumugon ang Tagapagligtas sa mga pangangailangan at pananampalataya ng mga tao.

Pagnilayan o talakayin ang sumusunod na mga tanong para pag-isipan kung paano kayo natulungan ng Tagapagligtas sa inyong buhay:

  • Kailan ako sumampalataya sa Tagapagligtas at nakadama ng Kanyang pagpapagaling (sa emosyonal, mental, espirituwal, o pisikal)?

  • Kailan ko nadama ang Kanyang kapayapaan?

  • Kailan ako nakatanggap ng di-inaasahang tulong mula sa Tagapagligtas?

  • Kailan ko nakita ang Kanyang impluwensya sa pamamagitan ng isang himala o magiliw na awa?

  • Sa buhay ko ngayon, paano ko mapapalakas ang aking pananampalataya sa Kanya at matatanggap ang Kanyang tulong?