2023
Tulong at Pag-asa mula sa Pangkalahatang Kumperensya
Marso 2023


“Tulong at Pag-asa mula sa Pangkalahatang Kumperensya,” Liahona, Mar. 2023.

Mga Tinig ng mga Banal sa mga Huling Araw

Tulong at Pag-asa mula sa Pangkalahatang Kumperensya

Hindi ko inasahan kailanman na makarinig ng isang buong mensahe sa pangkalahatang kumperensya tungkol mismo sa nararanasan ko.

Larawan
pamilyang sama-samang kumakain sa kusina

Larawan ng awtor at ng kanyang pamilya na kuha ni Cody Bell

Matapos isilang ang aking panganay na anak, dumanas ako ng postpartum depression. Napakagandang pagkakataon iyon sa buhay ko dahil nagkaanak ako ng lalaki, pero hindi ko lubos na maranasan ang galak ng pagkakaroon ng baby dahil lungkot na lungkot ako.

Sa panahong ito ng pagsubok, nagdasal ako nang husto sa Ama sa Langit. Hiniling ko sa Kanya na tulungan akong makayanan ang mahirap na pagsubok na ito. Nang papalapit na ang pangkalahatang kumperensya sa taglagas na iyon, ipinagdasal ko rin na makadama ako ng ginhawa mula sa mga mensahe ng mga pinuno ng Simbahan.

Habang nakikinig ako sa mga mensahe sa unang sesyon ng pangkalahatang kumperensya, nagsimula akong mapanatag. Pagkatapos, sa pangalawang sesyon, nagsalita si Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa depresyon. Sinabi Niya na ang depresyon ay maaaring magpadama sa atin na tayo ay “parang basag na sisidlan”1 (Mga Awit 31:12). Hindi ko inasahan kailanman na makarinig ng isang buong mensahe tungkol mismo sa nararanasan ko.

Espesyal na sandali ito para sa akin. Naipaunawa sa akin ng mensahe na mahal ako ng Ama sa Langit at na alam Niya ang nangyayari sa akin. Naunawaan Niya ang mga pinagdaraanan ko noon. Gusto Niya akong tulungan at bigyan ng pag-asa. Ginawa Niya iyan sa pamamagitan ng mga salita ni Elder Holland.