2023
Ano ang Ibig Sabihin ng Tatawagin ng Panginoon?
Marso 2023


“Ano ang Ibig Sabihin ng Tatawagin ng Panginoon?,” Liahona, Mar. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mateo 10

Ano ang Ibig Sabihin ng Tatawagin ng Panginoon?

Larawan
si Jesus habang nakaupo at nagtuturo sa Kanyang mga alagad

Sa Mateo 10, inoorden ng Tagapagligtas ang Kanyang labindalawang Apostol, na binibigyan sila ng kapangyarihan, awtoridad, at kaalaman para simulang ipangaral ang Kanyang ebanghelyo at itatag ang Kanyang Simbahan. Pinapangakuan din Niya sila ng kapangyarihang magpagaling, magpalayas ng mga espiritu, at magsalita nang may awtoridad (tingnan sa mga talata 1, 20). Habang binabasa mo sa Mateo 10 ang paghahanda ng Panginoon sa mga Apostol para sa kanilang mga calling, isipin kung paano ka naihanda ng Panginoon para sa iyong paglilingkod sa Simbahan.

Payo mula sa Panginoon

Binigyan din ng Panginoon ang mga Apostol ng ilang mahahalagang tagubilin na makakatulong at magpapalakas sa kanila sa kanilang ministeryo. Karamihan sa payong ito ay maiaangkop din sa atin sa ating paglilingkod. Habang binabasa ninyo ang sumusunod na mga talata sa Mateo 10, pansinin ang mga tagubilin at paanyayang ibinigay sa kanila ng Panginoon.

  • Talata 8:

    ____________________

  • Talata 19:

    ____________________

  • Mga talata 29–31:

    ____________________

  • Talata 39:

    ____________________

Kapag tinawag kang maglingkod sa Simbahan, tutulungan ka ng Panginoon na gawin ang Kanyang gawain. Bibiyayaan ka Niya ng mga karanasan, tagubilin, at paghahayag. Ise-set apart ka at tatanggap ng awtoridad mula sa Diyos na gampanan ang iyong tungkulin.

Malalaman mo ang iba pa tungkol sa mga responsibilidad ng iyong calling sa Pangkalahatang Hanbuk sa ChurchofJesusChrist.org.