2023
Ang Ating Personal na Paglalakbay Patungo sa Diyos
Agosto 2023


“Ang Ating Personal na Paglalakbay Patungo sa Diyos,” Liahona, Ago. 2023.

Para sa mga Magulang

Ang Ating Personal na Paglalakbay Patungo sa Diyos

Larawan
batang lalaki na tumutulong sa kanyang ina habang nauuna sa paglakad ang iba pang mga kapamilya

Minamahal na mga Magulang,

Ang ating paglalakbay tungo sa pagiging perpekto, tulad ng makikita sa isyu sa buwang ito, ay nilalakbay sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, pagsisisi, paggawa at pagtupad ng mga sagradong tipan, at paghahangad ng patnubay ng Diyos sa ating buhay.

Mga Talakayan tungkol sa Ebanghelyo

Ang Ating Hangaring Lumapit kay Cristo

Tanungin ang inyong mga anak kung ano ang ibig sabihin ng maghanap ng isang bagay. Ibahagi ang ilang turo mula sa artikulo ni Elder Neil L. Andersen sa pahina 4 tungkol sa ating hangaring lumapit kay Cristo. Anong mga kasangkapan ang nagpapatatag sa atin sa paglalakbay na ito?

Paghihikayat ng Pag-unlad na Tulad ni Cristo

Talakayin sa inyong mga anak kung ano ang kanilang mga pangmatagalang mithiin, tulad ng isang propesyon, misyon, o kasal sa templo. Basahin ang mga ideya sa mga pahina 14–17. Maaari kayong sama-samang magplano ng ilang aktibidad na maaaring makatulong sa inyong mga anak na makamtan ang kanilang mga mithiin.

Pagbabawas ng Pagkalantad sa Di-Angkop na Materyal

Gamit ang artikulo sa pahina 8, pag-usapan ang pag-asa na maaaring magsisi ang isang tao kung hirap siyang paglabanan ang paggamit ng pornograpiya. Gumawa ng plano ng pamilya na bawasan ang potensyal na pagkalantad sa di-angkop na materyal sa media tulad ng telebisyon at internet.