2023
Mga Sulat ni Apostol Pablo
Agosto 2023


“Mga Sulat ni Apostol Pablo, Bahagi 1,” Liahona, Ago. 2023.

Mga Sulat ni Apostol Pablo

Bahagi 1

Ano ang itinuro ni Pablo sa kanyang unang apat na sulat?

Larawan
parchment na may kasamang lalagyan ng tinta at panulat

Larawang-guhit ni Elspeth Young

Roma

  • Sa mga miyembro ng Simbahan sa Roma

  • Isinulat mula sa Corinto noong mga AD 55–56

  • Layunin: Para maghikayat ng pagkakaisa, linawin ang doktrina, at maghanda para sa pagbisita ni Pablo sa Roma

  • Mahahalagang turo: Pananampalataya, kaligtasan, at pagiging higit na katulad ni Cristo sa kabila ng ating pagiging likas na makasalanan

1 Corinto

  • Sa mga miyembro ng Simbahan sa Corinto

  • Isinulat mula sa Efeso noong mga AD 55–56

  • Layunin: Para palakasin ang mga Banal laban sa pagkakahati-hati at imoralidad

  • Mahahalagang turo: Pagkakaisa, mga espirituwal na kaloob, pag-ibig sa kapwa, at pagtatayo ng pundasyon kay Jesucristo

2 Corinto

  • Sa mga miyembro ng Simbahan sa Corinto

  • Isinulat mula sa Macedonia noong mga AD 55–57

  • Layunin: Para magpasalamat sa mga taong nakinig sa kanyang naunang sulat at para magbabala tungkol sa mga bulaang guro

  • Mahahalagang turo: Ang diwa ng batas, pagdaig sa mga pagsubok, at ang awtoridad na ipangaral ang ebanghelyo

Galacia

  • Sa mga miyembro ng Simbahan sa Galacia

  • Isinulat mula sa Macedonia noong mga AD 55–57

  • Layunin: Para ituro ang mas mataas na batas ng Diyos habang bumabalik ang mga Banal sa batas ni Moises

  • Mahahalagang turo: Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, ang bunga ng Espiritu, at ang nagliligtas na kapangyarihan ng pagsampalataya kay Jesucristo