2023
Ano ang Ibig Sabihin ni Pablo sa “Espiritu ng Pagkukupkop”?
Agosto 2023


“Ano ang Ibig Sabihin ni Pablo sa ‘Espiritu ng Pagkukupkop’?,” Liahona, Ago. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Roma 7–16

Ano ang Ibig Sabihin ni Pablo sa “Espiritu ng Pagkukupkop”?

Larawan
isang grupo ng mga tao noong unang panahon na nag-uusap-usap

A Family Shares [Nagbahagi ang Isang Pamilya], ni Dick Wahl, © Lifeway Collection / lisensyado ng GoodSalt.com

Bilang mga anak ng Diyos, mayroon tayong likas na kabanalan, pero isinilang tayo sa isang makasalanang mundo. Bihag tayo ng kasalanan. Tinatawag ito ni Apostol Pablo na “espiritu ng pagkaalipin” (Roma 8:15). Dahil maawain, naglalaan ng paraan ang Diyos para makalaya tayo. Kapag nakikipagtipan tayo sa Kanya, lumalaya tayo mula sa espiritu ng pagkaalipin at tumatanggap ng “Espiritu ng pagkukupkop” (Roma 8:15).

Ang Espiritu ng Pagkukupkop

Noong panahon ni Pablo, ang pagkukupkop ay tumutukoy sa pagpili sa isang taong hindi kapamilya na maging tagapagmana. Pagkatapos ay sasama ang taong kinupkop sa bagong pamilya, magtataglay ng bagong pangalan, at tatanggap ng mana.

Ginagamit ni Pablo ang pariralang “Espiritu ng pagkukupkop” bilang isang analohiya para sa mga pinagtipanang tao ng Diyos. Kapag nakikipagtipan tayo sa Diyos, tinataglay natin ang pangalan ni Cristo. Sa pamamagitan ng ating mga tipan, nagiging higit pa tayo sa Kanyang mga anak. Tumatanggap tayo ng “Espiritu ng pagkukupkop” at nagiging Kanyang mga tagapagmana. Kung mananatili tayong karapat-dapat, mamanahin natin ang lahat ng mayroon ang Diyos (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:38).