Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Pag-isipang Mabuti


Pag-isipang Mabuti—Maximum na Oras: 5 Minuto

Isipin ng bawat isa ang natutuhan ninyo ngayon at isaalang-alang kung ano ang nanaising ipagawa sa inyo ng Panginoon. Basahin ang mga banal na kasulatan o sipi sa ibaba at isulat ang mga sagot sa mga tanong.

“Kaya’t ang bawat dumirinig ng aking mga salitang ito, at ginaganap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato: at lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak: sapagka’t natatayo sa ibabaw ng bato” (Mateo 7:24–25).

Ano ang pinakamakabuluhang mga bagay na natutuhan ko ngayon?

Ano ang gagawin ko dahil sa natutuhan ko ngayon?