Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Magreport


Magreport—Maximum na Oras: 25 Minuto

Mga Ipinangakong Gawin Noong Nakaraang Linggo

  1. Isagawa at ibahagi ang alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan] noong nakaraang linggo.

  2. Simulang buuin ang aking isang-buwang emergency fund.

  3. Talakayin sa family council ang aking emergency fund at mga insurance plan.

  4. Kontakin at suportahan ang action partner ko.

Step 1: Mag-evaluate Kasama ang Action Partner (5 minuto)

Mag-ukol ng ilang minuto para i-evaluate ang iyong mga pagsisikap na tuparin ang mga ipinangako mong gawin sa linggong ito. Gamitin ang chart na “Pag-evaluate sa Aking mga Pagsisikap” sa simula ng workbook na ito. Ibahagi sa partner mo ang iyong evaluation at talakayin ninyo ang tanong sa ibaba. Pagkatapos ay mag-iinisyal siya kung saan nakasaad.

Talakayin:Ano ang naging mga hamon mo sa pagtupad sa mga ipinangako mong gawin sa linggong ito?

Larawan
evaluating my efforts thumbnail

Step 2: Magreport sa Grupo (8 minuto)

Matapos i-evaluate ang inyong mga pagsisikap, muling magsama-sama at ireport ang inyong mga resulta. Ikutin ang grupo at ilahad ng bawat isa kung ang rating na ibinigay ninyo sa sarili ay “pula,” “dilaw,” o “berde” para sa bawat isa sa mga ipinangakong gawin noong nakaraang linggo.

Step 3: Ibahagi ang Iyong mga Karanasan (10 minuto)

Ngayo’y ibahagi sa grupo ang mga bagay na natutuhan mo sa pagsisikap na tuparin ang mga ipinangako mong gawin sa buong linggo.

    Talakayin:
  • Ano ang mga naranasan mo sa pagsasagawa o pagbabahagi ng alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan]?

  • Ano ang nagawa mong kakaiba para makapag-impok ng pera para sa iyong isang-buwang emergency fund?

  • Kumusta ang pagtalakay mo sa inyong family council tungkol sa mga insurance plan at pagbubuo ng iyong emergency fund?

Step 4: Pumili ng mga Action Partner (2 minuto)

Pumili ng isang action partner mula sa grupo para sa darating na linggo. Karaniwan, ang mga action partner ay parehong babae o lalaki at hindi magkapamilya.

Mag-ukol ng ilang minuto ngayon para kausapin ang action partner mo. Ipakilala ang inyong sarili at pag-usapan kung paano ninyo makokontak ang isa’t isa sa buong linggo.

Pangalan ng action partner

Contact information

Isulat kung paano at kailan ninyo makokontak ang isa’t isa sa linggong ito.

Lin

Lun

Mar

Miy

Huw

Biy

Sab