Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Pag-isipang Mabuti


Pag-isipang Mabuti—Maximum na Oras: 5 Minuto

Isipin ng bawat isa ang natutuhan ninyo ngayon at isaalang-alang kung ano ang nanaising ipagawa sa inyo ng Panginoon. Basahin ang talata o sipi sa ibaba at isulat ang mga sagot sa mga tanong.

“Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, … at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan” (Malakias 3:10–12).

Ano ang pinakamakabuluhang mga bagay na natutuhan ko ngayon?

Ano ang gagawin ko dahil sa natutuhan ko ngayon?