Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
My Foundation [Ang Aking Saligan]: Maging Isa, Magkasamang Maglingkod


My Foundation [Ang Aking Saligan]: Maging Isa, Magkasamang Maglingkod—Maximum na Oras: 20 minuto

Pag-isipang mabuti:Paano ba ako talagang naililigtas ng paglimot sa aking sarili sa paglilingkod sa iba?

Panoorin:“In the Lord’s Way,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 183.)

Ayon sa Pamamaraan ng Panginoon

Kung hindi ninyo mapanood ang video, basahin ang script na ito.

Larawan
still from In the Lord’s way

Pangulong Henry B. Eyring: Ang mga alituntunin sa pagtatatag ng programang pangkapakanan ng Simbahan ay hindi pangminsanan o sa isang lugar lamang. Ang mga ito ay para sa lahat ng panahon at lugar. …

… Ang pamamaraan para magawa ito ay malinaw. Yaong mas nakakaangat sa buhay ay dapat magpakumbaba ng kanilang sarili para tulungan ang mga nangangailangan. Yaong sagana ang buhay ay dapat kusang magbigay ng tulong, oras, mga skill, at resources upang maibsan ang paghihirap ng mga nangangailangan. At ang tulong ay dapat ibigay sa paraang mapapalakas ang kakayahan ng tinutulungan para mapangalagaan ang kanilang mga sarili at pagkatapos ay mapangalagaan ang iba. Kapag ginawa ito ayon sa pamamaraan ng Panginoon, napakaganda ng kahahantungan nito. Kapwa pagpapalain ang tumulong at tinulungan.

(Hinango mula sa isang mensaheng ibinigay ni Pangulong Eyring sa paglalaan ng mga Sugarhouse Utah Welfare Services Center, Hunyo 2011, LDS.org)

Pangulong Dieter F. Uchtdorf: Mga kapatid, lahat tayo ay may responsibilidad sa tipan na maging sensitibo sa mga pangangailangan ng iba at maglingkod tulad ng ginawa ng Tagapagligtas—tumulong, magbasbas, at magpasigla sa mga nasa paligid natin.

Kadalasan, ang sagot sa ating dalangin ay hindi dumarating habang nagdarasal tayo kundi habang naglilingkod tayo sa Panginoon at sa mga nasa paligid natin. Ang di-makasariling paglilingkod at lubos na paglalaan ay nagpapadalisay sa ating espiritu, nag-aalis ng tabing sa ating espirituwal na mga mata, at nagbubukas ng mga dungawan ng langit. Sa pagiging sagot sa dalangin ng iba, kadalasan ay nasasagot ang sarili nating dalangin.

(“Paghihintay sa Daan Patungong Damasco,” Ensign o Liahona, Mayo 2011, 76)

Bumalik sa pahina 182.

Talakayin:Paano nabubuksan ng paglilingkod sa iba ang mga dungawan ng langit sa iyong buhay?

Basahin:Nadarama ng ilan na dapat ay mayroon din sila ng kung anong mayroon ang iba, na maaaring maging sanhi ng hinanakit. Nadarama naman ng iba na may karapatan sila sa mga bagay na hindi nila pinaghirapan. Ang dalawang patibong na ito ay bumubulag sa mga tao kaya hindi nila makita ang isang mahalagang katotohanan: lahat ng bagay ay pag-aari ng Diyos. Ang hinanakit at pag-angkin ng karapatan ay madaraig sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa mga pangangailangan ng iba. Basahin ang Mosias 2:17, Mosias 4:26, at ang sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley (sa kanan).

Basahin:Mga pahayag nina Elder Robert D. Hales at Pangulong Thomas S. Monson (sa kanan)

Mangakong gawin:Mangakong gawin ang sumusunod na mga hakbang sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang kahon kapag nakumpleto mo ang bawat hakbang.

  • Kumilos ayon sa planong ginawa mo na paglingkuran ang isang tao.

  • Ibahagi sa iyong pamilya o mga kaibigan ang natutuhan mo ngayon tungkol sa paglilingkod.