Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Resources


Resources

Mga Family Council

Ibinahagi ni Elder M. Russell Ballard ang sumusunod tungkol sa mga family council:

“Naniniwala ako na pagpupulong sa mga council ang pinakamabisang paraan para makakuha ng mga tunay na resulta. Bukod pa riyan, alam ko na mga council ang paraan ng Panginoon at na nilikha Niya ang lahat ng bagay sa sansinukob sa pamamagitan ng isang council sa langit, tulad ng binanggit sa banal na kasulatan.

“Gayunman, hanggang ngayo’y hindi pa ako nakapagsasalita sa pangkalahatang kumperensya tungkol sa pangunahin at napakahalaga—at marahil ay pinakamahalaga—sa lahat ng council: ang family council.

“Noon pa man ay kailangan na ang mga family council. Katunayan, walang hanggang alituntunin ito. Kabilang tayo sa isang family council bago tayo isinilang, noong nabuhay tayo sa piling ng ating mga magulang sa langit bilang kanilang mga espiritung anak.

“Ang family council, kapag idinaos nang may pagmamahal at mga pag-uugaling katulad ng kay Cristo, ay malalabanan ang epekto ng modernong teknolohiya na madalas gumambala sa atin mula sa makabuluhang paggugol ng oras sa isa’t isa at nagpapasok din ng kasamaan sa mismong tahanan natin.

“Tandaan lamang ninyo na ang mga family council ay iba kaysa family home evening na idinaraos tuwing Lunes. Ang mga home evening ay nakatuon sa pagtuturo ng ebanghelyo at mga aktibidad ng pamilya. Ang mga family council naman, sa kabilang dako, ay maaaring idaos anumang araw ng linggo, at ito una sa lahat ay isang pulong kung saan nakikinig ang mga magulang—sa isa’t isa at sa kanilang mga anak.

“Naniniwala ako na may di-kukulangin sa apat na uri ng family council:

  • Una, isang general family council na binubuo ng buong pamilya.

  • Ikalawa, isang executive family council na binubuo ng ina at ama.

  • Ikatlo, isang limited family council na binubuo ng mga magulang at isang anak.

  • Ikaapat, isang one-on-one family council na binubuo ng isang magulang at isang anak.”

(“Mga Family Council,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 63)

Bumalik sa pahina 27.

Mga Tala