Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Ang Aking Saligan: Maging Responsable at Magtiyaga


Ang Aking Saligan: Maging Responsable at Magtiyaga—Maximum na Oras: 20 Minuto

Pag-isipang mabuti:Bakit nais ng Ama sa Langit na maging responsable ako sa buhay ko?

Panoorin:“Sedrick’s Journey,” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 129.)

Ang Paglalakbay ni Sedrick

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

Larawan
still from Sedrick’s Journey

Sedrick: Ako si Sedrick Kambesabwe. Nakatira ako sa Democratic Republic of the Congo. Miyembro ako ng LDS Church.

Branch missionary ako sa nayon ng Kipusanga. Kailangan kong maghanda sa pagmimisyon sa ibang bansa. Para makapagmisyon, kailangan ko ng passport, na ang halaga ay 250 U.S. dollars.

Para kumita, bumibili kami ng tatay ko ng mga saging. Maraming inaaning saging ang ilang nayon: Tishabobo, Lusuku, at Kamanda.

Ang Tishabobo ay mga 9 na milya ang layo mula rito. Ang Lusuku ay 18 milya. Ang Kamanda ay 18 milya rin ang layo. Pumupunta kami roon at bumibili ng mga saging, at ibinibenta rito sa amin.

Para makapunta sa mga nayon, nagbibisikleta kami. Ang kaya naming dalhin ay apat o anim na buwig ng saging.

Kapag nakabisikleta ako, isa’t kalahating oras bawat pagpunta at pagbalik, kung hindi sira ang bisikleta at may lakas pa ako. Kapag katanghaliang tapat, mabagal ang pagbisikleta ko dahil sa tindi ng sikat ng araw.

Dalawang biyahe ang magagawa ko kada araw kung madaling-araw ako gigising. Magandang paraan ito para mabayaran ang aking passport.

Ngayo’y kumikita na ako ng pera, paunti-unti, kaya nag-iimpok ako para sa pag-aaral at misyon ko. At ngayon, makalipas ang apat na taong pagtatrabaho, may pambayad na ako para sa aking passport at 70 dollars na ipon.

Bumalik sa pahina 128.

Talakayin:Paano tayo matututong magtiyaga, kahit mahirap ang trabaho?

Basahin:Doktrina at mga Tipan 42:42 at ang sinabi ni Pangulong James E. Faust (sa kanan)

Talakayin:Basahin ang sipi ni Elder D. Todd Christofferson (sa pahina 129). Bakit inaasahan ng Panginoon na pagtatrabahuhan natin ang tinatanggap natin?

Pag-isipang mabuti:Basahin ang sinabi ni Pangulong Thomas S. Monson (sa kanan). Paano ako tumutugon kapag dumaranas ako ng kabiguan?

Mangakong gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Pumili ng isang bagay na mahirap o hindi komportableng gawin at tapusin ang gawain. Isulat ito sa ibaba.

  • Ibahagi ang natutuhan mo ngayon tungkol sa trabaho at pagtitiyaga sa iyong pamilya at mga kaibigan.