2015
Quiz tungkol sa mga Kuwento ng Pamilya
September 2015


Quiz tungkol sa mga Kuwento ng Pamilya

Larawan
Product Shot from September 2015 Liahona

Narito ang isang laro upang tulungan kayong mas marami pang malaman tungkol sa inyong pamilya at kanilang mga kuwento!

Paghahanda

  1. Isipin ang apat na uri ng mga kuwento, tulad ng Nakakatawa, Kabataan, Espirituwal, o mga Bakasyon. Isulat ang bawat kategorya sa isang papel at idikit ito sa dingding.

  2. Maghanap ng apat na kuwento ng pamilya para sa bawat kategorya. Hingin ang tulong ng inyong pamilya.

  3. Mag-isip ng maiikling clue para sa bawat kuwento at isulat sa mga piraso ng papel.

  4. Isulat ang 100, 200, 300, o 400 points sa kabilang panig ng papel. Idikit ang mga clue sa ilalim ng mga kategorya.

Paano Laruin

  1. Hatiin ang mga manlalaro sa dalawang team. Ang sinumang sumulat ng mga clue ang siyang lider.

  2. Ang unang team ay pipili ng isang kategorya at numero, tulad ng “Nakakatawa, para sa 200.”

  3. Ang lider ang mag-aalis ng numero at magbabasa ng clue. Kung masasabi ng team ang kuwento na tugma sa clue, sa kanila mapupunta ang puntos!

  4. Kung hindi nila alam ang kuwento, isasalaysay ng lider ang kuwento pero hindi niya ikukuwento ang isang detalye, tulad ng kung saan ito nangyari o tungkol ito kanino. Kung mahuhulaan ng team ang nawawalang detalye, kalahati ng puntos ang makukuha nila.

  5. Ang kasunod na team ang pipili ng isang clue at maglalaro. Pagkatapos mapili ang lahat ng clue, ang team na may mas maraming puntos ang panalo!