2015
Isa akong batang lalaki, at gusto kong hikayatin ang mga batang babae na manamit nang mas disente. Pero paano ko gagawin iyan nang hindi ako nagmumukhang walang-galang?
September 2015


Ako ay isang batang lalaki, at gusto kong hikayatin ang mga batang babae na manamit nang mas disente. Pero paano ko gagawin iyan nang hindi nagmumukhang walang-galang?

Tama ngang mag-ingat ka sa aspetong ito. Bagama’t may ilang kabataang babae na mahalay manamit dahil gusto nilang maging mahalay, maraming mapapahiya kapag naisip nila na may isang taong naniniwala na mahalay ang suot nila. Kaya maging sensitibo at di nagbabago. Kapag napag-uusapan ang paksang disenteng pananamit, masigasig na suportahan ang pamantayan ng Panginoon sa pagiging disente, ngunit huwag husgahan ang mga tao. Gayundin, tiyakin na ang sarili mong mga pamantayan sa pananamit at pagkilos ay naaayon sa iyong mga paniniwala. Napapansin ng mga kabataang babae kung paano ka manamit, at talagang napapansin nila kung mas pinapansin mo ang mga kabataang babaeng hindi disente o disenteng manamit.