2015
Mga Ideya para sa Family Home Evening
September 2015


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

Larawan
Social interaction

“Hindi Taga Sanglibutan,” pahina 56: Isiping basahin ang karanasan ni Elder Perry sa pagpapasiya na humingi ng isang baso ng gatas sa pagtitipon ng mga negosyante. (Para sa reperensya sa kanyang kuwento, tingnan sa pahina 57.) Bilang pamilya, talakayin ang naisip na mga paraan para hindi maging makamundo. Halimbawa, ano ang maaari ninyong gawin kung magpasiya ang isang grupo ng mga kaibigan na manood ng hindi angkop na pelikula o tumingin sa pornograpiya? Paano kayo tutugon sa taong nanghahamak sa inyong mga paniniwala tungkol kay Joseph Smith, sa kasal, o sa batas ng kalinisang-puri? Habang sinasagot ninyo ang mga tanong na ito bilang isang pamilya, isaisip ang halimbawa ni Cristo.

Larawan
illustration of a family reading scriptures together

Kaliwa: Pinasimulan ni Cristo ang Sakramento sa mga Apostol, ni Del Parson; kanan: detalye mula sa Jesucristo, ni Harry Anderson; Imahe ni Cristo, ni Heinrich Hofmann, sa kagandahang-loob ng C. Harrison Conroy Co., Inc.

“Isang Bagong Damdamin,” pahina 78: Matapos basahin nang magkakasama ang artikulo, maaari ninyong talakayin kung paano nangungusap sa atin ang Espiritu Santo. Gamitin ang mga banal na kasulatan tulad ng Mga Taga Galacia 5:22–23 (nagpapadama ng pag-ibig, katuwaan, kapayapaan, pagpipigil, kaamuan, pagpapahinuhod, pananampalataya, pag-asa); Juan 14:26 (nagtuturo ng katotohanan at nagpapaalala); Alma 19:6 (pinapalitan ng liwanag ang kadiliman); Moroni 10:5 (naghahayag ng katotohanan); D at T 6:14–15 (nagpapalinaw ng isipan); 8:2–3 (nagbibigay ng mga ideya sa isipan, ng damdamin sa puso). Isiping ibahagi ang personal na mga karanasan nang maramdaman ninyo ang Espiritu Santo.