2015
Mga Lider Nating Kababaihan
September 2015


Mga Lider Nating Kababaihan

Larawan
Product Shot from September 2015 Liahona
Larawan
Product Shot from September 2015 Liahona

Ang kababaihang ito ay mga asawa, ina, at lola. Narito ang iba pang nakatutuwang mga bagay tungkol sa kanila! Maaari kang mag-print ng mas maraming card sa liahona.lds.org.

Sister Linda K. Burton

General President ng Relief Society

Larawan
linda-k-burton
  • Mahilig sa roller-skating, hopscotch, kickball, at pakikipaglaro sa mga kapitbahay noong bata pa siya.

  • Tinawag na Primary music director habang nakatira sa New Zealand noong tinedyer pa siya.

  • Nag-aral sa kolehiyo para maging guro sa elementarya.

Sister Carole M. Stephens

Unang Tagapayo sa Relief Society General Presidency

Larawan
carole-m-stephens
  • Ibinuklod sa kanyang mga magulang noong siya ay limang taong gulang, matapos mabinyagan ang kanyang ina at magsimbang muli ang kanyang ama.

  • Kumanta sa mga koro at naging captain ng isang drill team na tinatawag na Bonnie Lassies.

  • Nagturo sa seminary at gustung-gusto ang mga klase sa relihiyon. Nakilala ang kanyang asawa sa institute.

Sister Linda S. Reeves

Pangalawang Tagapayo sa Relief Society General Presidency

Larawan
linda-s-reeves
  • Lumaking naglalaro sa mga puno ng saging sa likuran ng bahay nila kasama ang kanyang apat na nakababatang mga kapatid na lalaki.

  • Mahilig mag-swimming at magbasa ng mga aklat sa kanyang mga apo.

  • Mahilig magbasa ng Aklat ni Mormon at mga kuwento tungkol kay Jesus.

Sister Bonnie L. Oscarson

General President ng Young Women

Larawan
bonnie-l-oscarson
  • Noong bata pa siya, mahilig magbasa sa ilalim ng mga puno ng apricot at umakyat ng puno kasama ang dalawang kuya niya.

  • Naging art editor ng high school magazine at nag-aral ng literature at graphic design sa kolehiyo.

  • Nanirahan sa walong iba’t ibang estado ng U.S. at dalawang beses sa Sweden!

Sister Carol F. McConkie

Unang Tagapayo sa Young Women General Presidency

Larawan
carol-f-mcconkie
  • Mahilig magbasa noon sa attic ng kamalig kapag wala siyang ginagawa o maglaro sa halamanan at bukirin.

  • Nagbakasyon sa France isang tag-init noong tinedyer siya.

  • Sa kolehiyo, naging student teacher sa isang high school English class.

Sister Neill F. Marriott

Pangalawang Tagapayo sa Young Women General Presidency

Larawan
neill-f-marriott
  • Mahilig mangabayo noong bata pa siya, at sumakay sa lokal na parada ng rodeo.

  • Nabinyagan noong siya ay 22 taong gulang.

  • Ang una niyang trabaho ay sa isang library. Kalaunan, nakahiligan niyang magbasa ng mga bedtime story sa kanyang 11 anak.

Sister Rosemary M. Wixom

General President ng Primary

Larawan
rosemary-m-wixom
  • Kung minsan ay nakikipagpalit sa kanyang kakambal para biruin ang mga tao!

  • Nagturo sa ikatlong baitang nang makatapos ng kolehiyo.

  • Mahilig mag-aral tungkol sa geography at ngayo’y bumibisita sa ilang bansang pinangarap niyang bisitahin.

Sister Cheryl A. Esplin

Unang Tagapayo sa Primary General Presidency

Larawan
cheryl-a-esplin
  • Pinatay niya noon ang isang sunog at iniligtas ang kanyang kapatid na lalaki sa pagkatupok sa kanilang sakahan sa Wyoming, USA.

  • Mahilig magbasa at maglaro ng sports, lalo na ng basketball.

  • Nagturo sa eskuwela sa loob ng dalawang taon nang makatapos ng kolehiyo.

Sister Mary R. Durham

Pangalawang Tagapayo sa Primary General Presidency

Larawan
mary-r-durham
  • Natutong huwag makipagsapalaran nang dumikit ang kanyang dila sa malamig na bakal.

  • Nag-aral ng pagsasayaw sa kolehiyo.

  • Bilang isang ina, para siyang narses, guro, baker, at hardinera, at may sarili siyang tool bag sa pagkukumpuni!