2016
Ang Hamon ni Moroni
Disyembre 2016


Mga Bayani sa Aklat ni Mormon

Ang Hamon ni Moroni

Larawan
Moronis Challenge

Pagkamatay ng ama niyang si Mormon, sumulat si Moroni sa mga laminang ginto. Sumulat siya tungkol sa priesthood, sa sakramento, at sa binyag. Hinamon niya tayong basahin ang Aklat ni Mormon at itanong sa Ama sa Langit kung ito ay totoo. Kung magdarasal tayo at makikinig sa sagot, sasabihin sa atin ng Espiritu Santo na ito ay totoo. Ibinaon ni Moroni ang mga lamina sa lupa upang mapanatili itong ligtas.

Noon pa man ay binabasa ko na ang aking mga banal na kasulatan araw-araw kasama si Itay. Tinutulungan ako nitong magkaroon ng patotoo. Hindi ako susuko.

Spencer P., edad 10, Wisconsin, USA

“Ang mga Laminang Ginto,” Jacob D., edad 11, Nova Scotia, Canada