2016
Ang Espesyal na Pangako ni Moroni
Disyembre 2016


Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon

Ang Espesyal na Pangako ni Moroni

Larawan
Moronis Special Promise 1
Larawan
Moronis Special Promise 2
Larawan
Moronis Special Promise 3

Si Mormon ay may anak na nagngangalang Moroni. Pagkamatay ni Mormon, sumulat si Moroni sa mga laminang ginto.

Isinulat ni Moroni ang mga panalangin sa sakramento. Isinulat niya na lahat ng mabuti ay nagmumula sa Diyos.

Isinulat ni Moroni na mahal ni Jesus ang lahat ng bata. Sinabi niya na maaari nating ipagdasal na magkaroon ng pag-ibig sa ating puso.

Gumawa ng espesyal na pangako si Moroni. Isinulat niya na kung babasahin natin ang Aklat ni Mormon at magtatanong sa Diyos, sasabihin sa atin ng Espiritu Santo na ito ay totoo. Pagkatapos ay ibinaon ni Moroni ang mga lamina sa Burol ng Cumorah para mapanatili itong ligtas.

Makalipas ang maraming taon bumaba si Moroni sa lupa bilang isang anghel. Ipinakita niya kay Joseph Smith kung saan nakabaon ang mga laminang ginto. Biniyayaan ng Diyos si Joseph ng kapangyarihang isalin ang mga salita sa mga lamina. Ngayo’y mababasa natin ang mga salita ni Moroni sa Aklat ni Mormon!