2016
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Disyembre 2016


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

Larawan
family home evening

“Paghahanda ng isang Lugar para sa Panginoon,” pahina 10: Ipinaalala sa atin ni Bishop Caussé ang ating responsibilidad na maghanda para sa pagdating ng Tagapagligtas. Ang isang paraan para makapaghanda ng lugar para sa Panginoon ay sa pagtulong sa mga taong nangangailangan ng tahanan. Isiping mag-volunteer sa isang homeless shelter o bahay-kalinga, na nagtitipon ng mga supply para sa mga refugee, lumilikom ng pondo na iaambag sa humanitarian fund ng Simbahan, o nakikilahok sa mga paglilingkod sa inyong komunidad. Maaari din ninyong talakayin ang mga pangmatagalang paraan na mapaglilingkuran ninyo ang mga walang tahanan, tulad ng pakikipagkaibigan sa kanila.

“Paano ako mas mapapalapit sa Tagapagligtas?” pahina 70: Tunay na si Jesucristo ang dahilan ng pagdiriwang na ito, ngunit maaari mong isaalang-alang ang mga paraan na maaalaala mo ang halimbawa ng Tagapagligtas sa buong taon. Maaari kang mag-isip ng mga paraan upang makalikha ng tahanang mas nakasentro kay Cristo, tulad ng pagdidispley ng larawan ng Tagapagligtas sa inyong tahanan, pagsasaulo sa bawat linggo ng mga talatang tungkol sa Tagapagligtas, o higit na pag-iingat sa paghahanda para sa araw ng Sabbath. Lumikha ng mga plano upang maipatupad ang iyong mga ideya at irekord sa iyong journal kung paano nakatulong ang mga pagsisikap mong mas mapalapit kay Cristo.