2021
Paglilimbag ng Aklat ni Mormon
Pebrero 2021


Paglilimbag ng Aklat ni Mormon

Larawan
PDF

Matapos tanggihan si Joseph Smith ng tatlo pang tagapaglathala, si Egbert Grandin sa Palmyra, New York, ay pumayag na ilimbag ang Aklat ni Mormon. Ang paglilimbag nito ay napakalaking trabaho, higit sa doble ng iba pang mga trabaho sa paglilimbag noong panahong iyon.

Dalawang manuskrito:

  • Orihinal na Manuskrito: Isinulat ng hindi kukulangin sa tatlong eskriba habang isinasalin at idinidikta ni Joseph Smith.

  • Manuskrito ng Printer: Isang kopya ng orihinal ang ginawa ni Oliver Cowdery at ng dalawa pang eskriba.

  • Typesetting: Si John Gilbert, na compositor para sa Aklat ni Mormon, ang gumawa ng pagtatalata, kapitalisasyon ng mga titik, pagbabantas, at pagwawasto sa pagbaybay o ispeling.

  • Haba ng unang edisyon: 590 na mga pahina.

  • Ang unang edisyon ay gawa sa kamay.

  • Bilis ng pag-imprenta: apat na papel sa isang panig bawat minuto. 185,000 na mga papel para maimprenta ang 5,000 mga kopya ng aklat.

  • Ang abalang kawani sa imprentahan o palimbagan ay nagtrabaho ng 11 oras sa isang araw, anim na araw sa isang linggo.

  • Panahon ng pag-imprenta: pitong buwan.

  • Katamtamang print run para sa isang aklat sa Estados Unidos noong 1820s: halos 2,000 kopya.

  • Unang edisyon ng Aklat ni Mormon: 5,000 kopya.

  • 1981: ang Simbahan ay nakapaglimbag o nakapag-imprenta ng tinatayang 27,249,000 na mga kopya ng Aklat ni Mormon.

  • 2011: ang Simbahan ay nakapaglimbag o nakapag-imprenta ng mahigit 150,000,000 mga kopya ng Aklat ni Mormon sa 110 mga wika.

Retrato ng Grandin Building na kuha ni Brad Walker Stevens; ang iba pang mga imahe ay mula sa Getty Images