2021
Lubha Kayong Mahalaga
Pebrero 2021


Para sa mga Magulang

Lubha Kayong Mahalaga

Larawan
painting of Jesus Christ with a little girl

Pumarito Ka, at Iyong Makikita, ni Del Parson

Minamahal naming mga Magulang,

Mahal tayo ng Diyos at pinahahalagahan tayo nang higit sa inaakala natin. Ang mga magasin ng Simbahan sa buwang ito ay nagbibigay ng iba-ibang artikulo at aktibidad na makatutulong sa inyo na maituro sa inyong mga anak ang tungkol sa pagsisisi, binyag, pagpapanumbalik ng priesthood, at na napakahalaga ng kanilang kaluluwa sa inyo at sa kanilang Ama sa Langit.

Talakayan Tungkol sa Ebanghelyo

Pakinggan Siya at Makita ang Halaga

Ipakita ang larawan at sipi mula sa Tagapagligtas sa pahina 2. Bilang pamilya, mag-isip ng mga halimbawa mula sa mga banal na kasulatan kung kailan nakita ng Tagapagligtas ang kahalagahan ng kaluluwa ng isang tao. Sa mga pahina 32 at 36, makakakita ka ng mga makabagong halimbawa kung ano ang pakiramdam ng Panginoon sa mga taong itinuturing ng lipunan na hindi gaanong mahalaga. Ibahagi kung paano ka natulungan ng Tagapagligtas na makita ang sarili mong halaga o ang halaga ng ibang tao.

Pagpapakita sa Iba na Pinapahalagahan Mo Sila

Ang isang paraan para matulungan ang iba na madama na pinapahalagahan sila ay paglingkuran sila. Pag-aralan ang artikulo ni Brother Jan E. Newman sa pahina 16, na hinahanap ang mga paanyaya niya sa inyo. Mapanalanging talakayin bilang pamilya kung sino ang nadarama ninyong dapat ninyong paglingkuran. Magplano kung paano at kailan ninyo tutulungan ang taong iyon nang may pagmamahal.

O matapos basahin ang tungkol sa pagkabilanggo sa pahina 32, pag-usapan kung paano ninyo magagamit ang mga ideya sa artikulo para matulungan ang mga nakabilanggo o kung paano kayo makapagbibigay ng suporta, pagmamahal, at pakikipagkaibigan sa kanilang mga pamilya.

Paghahanda sa mga Bata para sa Binyag

Magagamit ninyo ang isyung ito para maihanda ang inyong mga anak sa kanilang binyag. Ang “Pagtulong sa mga Bata na Maghanda para sa Binyag” sa pahina 22 ay nagbibigay ng mga ideya para sa mga magulang. Mahahanap ninyo ang mga sagot sa karaniwang mga tanong tungkol sa binyag sa “Mga Pangunahing Alituntunin ng Ebanghelyo” sa pahina 6. Marami ka pang makikitang mga ideya sa magasing Kaibigan sa buwang ito.

Suporta sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Tingnan ang pahina 26 para sa suportang materyal para sa inyong lingguhang pag-aaral ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.

Larawan
facmily seated in a circle

Masayang Pag-aaral ng Pamilya

Bilog ng Kahalagahan

Doktrina at mga Tipan 10–19

Sina Oliver Cowdery at David Whitmer ay pinayuhang alalahanin na “ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 18:10). Kapag tinutulungan natin ang iba na makita ang sarili nilang halaga, mas napapalapit natin sila kay Cristo habang nagiging mas malapit din tayo sa Kanya.

  1. Sabihin sa mga kapamilya na umupo nang nakapabilog.

  2. Bawat tao ay magpapalitan sa pagtayo sa gitna ng bilog.

  3. Lahat ng nakaupo sa bilog ay magsasabi sa taong nasa gitna na, “Mahalaga ka sa akin dahil ___________,” at ibahagi ang partikular na mga detalye kung bakit mahalaga sa kanila ang taong iyon.

  4. Pagkatapos ay pipili ang tao na nasa gitna ng bilog ng sarili nilang pahayag tungkol sa kahalagahan ng sarili: “Ako ay mahalaga sa Diyos at sa aking sarili dahil __________.”

Talakayan: Bakit mahalagang alalahanin ang sarili nating halaga at ang halaga ng mga nasa paligid natin? Kung nasa bilog si Cristo, ano ang sasabihin Niya tungkol sa atin? Basahin ang Doktrina at mga Tipan 18:10–13 at talakayin ang pinagdaanan ni Cristo dahil sa pagpapahalaga Niya sa atin.