2010
Si Jesucristo, ang Perpekto Nating Kaibigan
Hulyo 2010


Mga Bata

Si Jesucristo, ang Ating Perpektong Kaibigan

Sinabi ni Pangulong Eyring na si Jesus ang ating perpektong kaibigan. Narito ang ilang paraan na ipinakita ni Jesus ang Kanyang ganap na pakikipagkaibigan sa atin.

Nais Niya ang pinakamainam para sa atin.

Maligaya Siya kapag maligaya tayo.

Malungkot Siya kapag malungkot o nasaktan tayo.

Nagdusa Siya para sa ating mga kasalanan upang makabalik tayo sa Ama sa Langit.

Pagiging Kaibigan para kay Jesus

Sabi ni Pangulong Eyring maaari tayong maging kaibigan ni Jesus sa pagiging kaibigan natin sa iba para sa Kanya. Makikita sa mga larawang ito ang ilan sa mga paraan na maaari tayong maging kaibigan. Isulat ang letra ng larawan sa tabi ng pangungusap na nagpapaliwanag sa larawan.

Maaari nating tulungan ang isang taong nalulungkot.

Maaari nating kaibiganin ang isang taong nalulumbay.

Maaari nating anyayahan ang isang tao na bumalik sa simbahan.

Maaari nating alalahanin si Jesus tuwina.

Kaliwa: mga paglalarawan nina Phyllis Luch, Robert T. Barrett, Beth M. Whittaker, at Dilleen Marsh